Saturday , November 23 2024

P303.08-B infra projects aprub sa NEDA

101814 neda pnoy

MAKARAAN ang walong oras na pagpupulong, inaprobahan kagabi sa ginanap na 15th National Economic Development Authority (NEDA) Board meeting sa Palasyo ang mga proyektong pang-impraestruktura na nagkakahalaga ng P303.08 bilyon na ilalarga ng administrasyong Aquino.

Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing NEDA board meeting na nagbasbas sa limang proyekto na ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P137.45 bilyon; limang proyekto ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na aabot sa P115.45 bilyon at pagsasapribado ng regional prison facilities ng Department of Justice (DoJ) sa halagang P50.18 bilyon.

Kabilang sa DPWH projects ang Flood Risk Management Project for Cagayan de Oro River (P8.55B), Sen. Gil Puyat Avenue/Makati Avenue Paseo de Roxas Vehicles underpass Project (P1.27B), Restoration of damaged bridges sa Bohol Circumferential Road (P0.81B), Metro Manila Interchange Construction Project Phase VI (P4.01B), at Laguna Lakeshore Expressway- Dike Project (P122.81B).

Habang ang mga proyekto ng DoTC ay nakasentro sa mga paliparan ng Iloilo, Bacolod, Davao, at Puerto Princesa, at modernisasyon ng Davao Sasa Port.

Habang nakapaloob sa public-private partnership program (PPP) ang P50.18 bilyon para sa regional prison facilities ng DoJ.

”President Aquino also directed the Cabinet and NEDA members to focus on completing similar ongoing projects and on laying the groundwork for sustainable, long-term economic development and inclusive growth,” sabi ni Coloma.

 

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *