Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apela sa US dapat madaliin ng DFA (Sa kustodiya sa sundalong Kano)

101814 vfa edca laude transgenderNagsagawa ng kilos protesta ang grupong League of Filipino Students na akyusan at hustisya kay Jeffrey “Jennifer” Laude sa pagpatay ni Private First Class Joseph Scott Pemberton na makulong na igiit ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) Enhanced Deffense Cooperation Agreement (EDCA) na ginanap sa Palma Hall University of the Philippines Diliman Quezon City (Kuha ni Ramon Estabaya)

 

PINAALALAHANAN ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kailangan ang agarang pag-apela sa U.S. authorities para sa kustodiya ng sundalong Amerikano na suspek sa pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ayon kay Lacierda, posibleng mahirapan na ang Philippine government na makuha pa ang kustodiya kay Private First Class Joseph Scott Pemberton kung aabot pa ng isang taon ang pag-apela rito.

Aniya, kailangan nang mabilisan at matalinong hakbang na gagawin ng DFA upang hindi matulad ang kaso ni Laude sa kaso ni Nicole na hinalay ng U.S. Marine na si Lance Corporal Daniel Smith sa Olangapo City.

Napagdesisyonan noon ng Korte Suprema na tuluyang ibigay ang kustodiya sa bansang Amerika.

Dagdag pa ni Lacierda, ayaw nilang mangyari na magiging huli na ang lahat para sa DFA na makuha ang kustodiya ni Pemberton at hindi mabigyan ng hustisya ang kamatayan ni Laude.

US MARINE PINADALHAN NG SUBPOENA

PINADALHAN na ng subpoena ang US Marine na kinasuhan ng murder sa pagkamatay ng transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Manila office, ipinadala ng Olongapo City Prosecutor’s Office ang subpoena kay Private First Class Joseph Scott Pemberton para dumalo sa preliminary investigation sa Martes, Oktubre 21, dakong 2 p.m.

Kasamang ipinatawag ng korte ang ilang kaanak ni Laude.

Pinahaharap din sa imbestigasyon ang testigong si “Barbie” at ilang staff ng Ambyanz Disco Bar at Celzone Lodge.

Matatandaan, sa Celzone natagpuang patay si Laude at ang Amerikanong sundalo sinasabing ang huli niyang nakasama.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …