Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina Halili, ganado na ulit magtrabaho

101714 katrina halili

00 Alam mo na NonieNAGPAIGSI ng buhok si Katrina Halili bilang statement na handa na siya ulit magtrabaho at bagong Katrina Halili na ang makikita s
a kanya. Ang rason daw niya ay dahil ito sa kanyang anak na si Katie, pati na rin sa mga magulang at kapatid niya.

“Siyempre po para sa anak ko, unang-una na iyon. Tapos sa parents, ko mga kapatid ko. Gusto kong mag-focus sa work ko. Kasi, parang nabalik ‘yung confidence ko, na kaya ko ito.

“Kasi, parang nawalan ako ng confidence before, e. Kasi after ng nangyari sa akin, parang, mapapansin n’yo sigu-ro, parang ganoon na lang. Hindi na ako masyadong nag-aayos and hindi na kagaya ng dati. Parang nag-decide na ako nga-yon na gusto kong magtrabaho.

“So, para talaga ito sa anak ko at saka na-realize ko rin na mahal ko talaga ang trabaho ko.”

Sinabi pa ni Katrina na wala siyang time sa lalaki, dahil gusto niyang magtrabaho nang husto.

“Desisyon ko na tapusin na iyong sa amin kasi hindi na nagwo-work. Saka na-realize ko na marami pa pala akong gustong gawin sa buhay ko. Marami akong napabayaan at kailangan kong bumawi. Sira kasi ang diskarte ko sa buhay kapag may lalaki.”

Mapapanood si Katrina sa pelikulang Child House. Kasama niya rito sina Miggs Cuaderno, Therese Malvar, Vince Magbanua, Mona Louise Rey, Felixia Crysten Dizon, Erika Yu, Nadine Samote, Sheena Halili,Dion Ignacio, Pekto at iba pa. Ito’y mula pa rin sa BG Productions at pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …