MAY mga tao talaga, na hindi masaya sa success ng kanilang kapwa. Like ang soon to be Box Office Queen na si Toni Gonzaga ay ayaw talagang tantanan ng kanyang detractors na puro fabricated lang naman ang ikinakalat na balita laban sa singer-actress host. Imagine nasa 90 percent ang crowd na nanood last October 3 sa “Celestine Concert” ni Toni sa MOA Arena sa kanyang 15th Anniversary concert.
Pero anong pinalalabas sa social media ng mga mapanira at insekyuradang detractors ng Ultimate Multimedia Star na flop raw ang show.
Hello! Galing na nga sa MOA insider ang nakuha naming impormasyon na dinumog ng tao ang concert ni Toni at kung hindi lang daw masama ang panahon at matindi ang traffic ay siguradong jampacked ang venue nila. Hindi lang ‘yan, sa dami ng mga sponsor ay kumita ang mga producer ni Toni na kinabibilangan ng DSL Events and Production House ni Pops Fernandez, ABS-CBN, Star Records at Star Events.
By the way, hindi man nakarating si Piolo Pascual sa concert ay sobrang happy at contented ang lahat dahil sa bonggang production number ni Toni na nag-ala Beyonce sa kanyang performance. Marami ang naka-witness ng sobrang pag-level up ng performance ng Star Records artist bilang concert performer.
Well magaling naman talagang singer si Toni, kaya carry talaga niya na bumida sa malalaking solo concert. Nagpasaya rin sa audience ang mga guest ng singer na kinabibilangan nila Vice Ganda, Richard “Ser Chief” Yap at ang wacky and talented sister na si Alex Gonzaga. Talagang pinalakpakan nang husto ang Celine Dion number ng magkapatid sa kanilang duet ng awiting “It’s All Coming Back To Me Now” na agad nilang sinundan ng fast beat number na “Fancy.”
Toni G, you are a real star gyud!
“JOSHANE” FIRST GET TOGETHER SA SULO HOTEL MATAGUMPAY
Last Sunday evening ay isa kami sa apat na entertainment press na naimbitahan ng aming minama-hal na Eric John Salut ng ABS-CBN para mag-cover sa First get together ng JoshAne, sa Sulo Riviera Hotel. Ang JoshAne ay binubuo ng Keypers, Globies, Pexers atbp na pareho-parehong die-hard supporters ng bagong sibol na labtim sa showbiz na sina Jane Oineza at Joshua Garcia. Walang patid ang sigawan at tilian ng fans nang dumating sa venue sina Jane at Joshua na sobrang pinasaya ang lahat ng mga tagahanga nang maghandog sila pareho ng kanta at sumayaw pa. Ang galing rin tumugtog ng gitara ni Joshua sa duet number nila ng kanyang Princess Janey sa awiting “Superman.” Game na game rin na nag-join ang dalawa sa Parlor Games kasama ang kanilang fans na kinilig ang marami dahil sa magkadikit na katawan ng kanilang idolo na part ng game. Labis-labis ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng mga dumalong fans at touched sila sa bonggang party na ipinagkaloob dahil nagkasama-sama sila. Tatlo sa nagpasaya sa nasabing affair na inimbitahan ng mga organizer ay sina Sir Mico del Rosario ng Star Cinema at Star Creatives, Darla Sauler ng Talk Department ng ABS-CBN at siyempre pa ang ma-PR na head publicist ng Dreamscape Entertainment na si Eric John.
Super thankful ang fans sa pagpapaunlak nila sa kanilang imbitasyon. Sa maikling speech pala ni kaibigang Eric ay sinabi niyang sina Jane at Joshua ang younger version nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Palakpakan ang lahat sa magandang statement na agree rin naman kami dahil pareho naman talaga silang maganda at guwapo at mahusay rin umarte especially Jane na talagang nahasa nang husto sa pagganap niya sa MMK. May teleserye pa lang pinagbibidahan ang dalawa na “Nasaan
Ka Nang Kailangan Kita” under Star Creatives at soon ay ipalalabas sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Sa dami ng fans ng dalawa ay siguradong maghi-hit ito. Going back sa party, nagkaroon rin ng pakontes para sa fans at raffle na fabulous ang prizes. Sobrang galing din ng nag-host ng event kaaliw siya, and his name Jorick. Dahil sa laki at kasosyalan maituturing na Grandest event ang JoshAne Get Together.
I am 101% agree much gyud!
TULOY-TULOY ANG PAGPAPAKITANGGILAS NG DABARKADS SA BULAGA BOOK OF PINOY RECORDS
Pang-world-class talaga ang talent ng Pinoy. Kung gusto niyo silang makita?
Aba’y manood lang araw-araw ng Eat Bulaga at abangan sila sa “Bulaga Book of Pinoy Records.”
At talagang pambihira ang talent ng mga Dabarkads natin na sumasali sa pakontes na buwis-buhay ang labanan.
Pero mukhang minamani lang ng mga contestant ang kanilang ginagawa sa challenge. Katulad na lang ng itinanghal na Tansan King na si Jomar Jacobe ng Tondo parang walang ka-effort-effort na nabuksan ang 60 bottles sa loob lamang ng 1 minute and 24 seconds. Nagwagi si Jomar nang tumataginting na P30K.
Sinundan siya ng Bangus Queen at ang latest na naglaban sa title na “Buko King!”
Hindi lang sa Barangay ang pagpapakitang-gilas ng mga Dabarkads sa Book of Pinoy Records maging sa Broadway Studio ay may challenge rin na puwede ni nyong salihan. Kaya kung alam mong may pambihira kang talent aba’y huwag nang sayangin ang panahon sumali ka na rito.
ni Peter Ledesma