Friday , November 15 2024

AMLC nakoryente sa ‘unexplained wealth’ ni Revilla

101714_FRONT

TINIYAK ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr., na muling mapapahiya ang prosekusyon sa walang basehang alegasyon ng money laundering at unexplained wealth laban sa kanya batay sa ipinirisenta niyang report mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC).

Binigyang-diin ng senador na ang AMLC report ay walang bigat para tumibay ang alegasyon laban sa kanya.

“The AMLC findings are inaccurate at best and outrightly erroneous, inconclusive and speculative,” sabi ng senador.

Ayon kay Revilla, “nakoryente” ang AMLC sa kanilang imbestigasyon dahil ang lahat ng binanggit nilang deposito ay nanggaling sa lehitimong kita nilang mag-asawa.

Lumabas kasi ang napakarami at paulit-ulit na mali at butas sa findings ng AMLC nang sumailalim at nagkabuhol-buhol sa cross examination si AMLC Bank Investigator Atty. Leigh Von Santos.

“Pilit nilang pinalitaw sa kanilang report na ‘yung mga deposito sa mga accounts namin, galing kay Benhur Luy. Pero, nakita na walang basehan ang sinasabi nilang matching, at ang katotohanan na hindi naman talaga nagma-match,” ani Revilla.

“Paano nilang nasabi na ang deposito na five hundred thousand (500,000) pesos ay tumutugma sa seventeen million two hundred fifty thousand (17.25 million) pesos; o ang deposito na two hundred thousand (200,000) pesos ay ebidensya na tumanggap ako ng twelve million five hundred thousand (12.5 million); o kaya ay deposito na one hundred thousand (100,000) pesos ay katunayan na binigyan ako ng seven (7) million pesos? I could go on and on citing all the other entries like how my lawyers did in exposing the AMLC,” paliwanag niya.

“Meron pa ngang claim ang AMLC na tumanggap ako ng pera noong December 12, 2008 dahil may nagdeposito sa account namin noong December 11, 2008, o one day before. Hindi ko alam na may nakaimbento na ng time machine para pwede ka magdeposito kahapon ng natanggap mo lang ngayon,” pangungutya ni Revilla.

Tahasang sinabi ng senador na may malisya ang AMLC sa kanilang inilabas na report dahil inalis nila ang mga legitimate source na magpapatunay na legal ang transaksiyon sa mga bank account. Naipakita pa nga sa korte na ang mga depositong sinasabi ng AMLC na unexplained wealth o galing kay Benhur Luy, ay sa katotohanan, galing sa sweldo ng mag-asawang Revilla mula sa pag-aartista.

“Everything is justified. Itong ibinibintang nila sa akin, eighty-seven (87) million daw ang nakuha ko sa loob ng limang taon. E ‘yung Panday lang one hundred (100) milyon ang kinita. ‘Yung Panday 2 one hundred ten (110) million; ‘Yung Agimat at Enteng mahigit one hundred fifty (150) milyon. Tapos, ‘yun pang sa Idol ko si Kap, Kap’s Amazing Stories, tsaka ‘yung mga commercial ko at endorsements,” sabi ni Revilla.

“Hindi ko kailangang magnakaw at kailanman ay hindi kami nagnakaw sa gobyerno,” diin niya.

Naniniwala si Revilla na ‘mangangamote’ ang AMLC dahil mapapatunayang nagkaroon na naman ng pauilt-ulit na entry sa listahan umano ng kanilang mga bank accounts.

Kinuwestiyon din ng senador ang binanggit ng AMLC na mayroon umano silang 81 bank accounts na mapapatunayan nila sa korte na ito ay lantarang kasinungalingan.

“Ginawa na sa akin yan ‘ng DBM noon nang sabihin nilang bumili raw ako ng sangkatutak na multicab na nagkakahalaga ng P115 milyon pero ang katotohanan, P5 milyon lang dahil 23 times nilang inulit-ulit iyong entry. As a matter of record, nag-public apology pa mismo si Bugdet Secretary Butch Abad, tapos ngayon, inulit na naman nila,” ni Revilla.

Maliban sa duplicate entries, nagbigay halimbawa ang Senador ng isang bank account sa Davao na sinabi ng AMLC na sa kanya, ngunit napatunayang hindi totoo.

Kaugnay nito, naniniwala si Revilla na wala nang mahagilap na ebidensiya ang prosecution laban sa kanya kaya nag-iimbento na ng detalye ang mga ito.

Nauna nang inamin ng kanilang star witness na si Benhur Luy sa Sandiganbayan na kahit minsan ay hindi ni niya nakausap, nakaharap, nakatransaksyon, o nagbigay ng pera sa senador, bukod pa ang testimonya sa open court at sa Senate hearing na sila ang pumepeke ng pirma ng mga mambabatas at gumawa ng mga bogus NGO. ”Siya ang dapat nakakulong, hindi kami.”

“Para lang sirain ako, noong umpisa sabi nila 1.2 bilyon daw ang involvement ko rito. Sa Senate hearings sabi nila mga four hundred (400) million daw. Sa demanda laban sa akin, two hundred twenty (220) million na lang. Ngayon sabi ng AMLC, eighty-seven (87) million na lang daw. Paliit na ng paliit ang akusasyon, at unti-unti nang lumalabas ang katotohanan na wala talaga akong ninakaw sa gobyerno,” dagdag ni Revilla.

Kompiyansa sa nagiging takbo ng kanyang paglilitis, nanindigan ang senador na lahat ng kung ano man ang mayroon ang kanyang pamilya ngayon ay bunga ng pagpupuyat at pagsisikap nilang mag-asawa bilang mga artista.

“Hindi naman kami mahirap nang pumasok ako sa politika. May sapat naman kaming kinikita at ipon, katunayan noong panahong tinutukoy nila, ako ang highest paid action star sa bansa. Lahat ng pelikula ko, blockbuster,” pagtatapos nito.

HATAW News Team

Multiple bank accounts indikasyon ng Money Laundering (Ayon sa AMLC)

INIHAYAG ng testigo ng gobyerno na si Anti-Money Laundering Council (AMLC) investigator Leigh Vhon Santos kahapon, ang multiple bank accounts ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na milyon-milyong piso ang na-withdraw, ay indikasyon ng money laundering.

Sa cross examination sa Sandiganbayan First Division kahapon, sinabi ni Santos, may 81 bank accounts sa pangalan ni Revilla at mga miyembro ng kanyang pamilya ang nirepaso ng AMLC.

Aniya, 12 sa accounts ay direktang nasa pangalan ni Revilla, misis niyang si Cavite Rep. Lanie Mercado, at sa Nature Concepts Development and Realty Corporation, kompanyang kinokontrol ni Mercado.

“Maintenance of quite a number of bank accounts is an indication of a money laundering scheme… especially considering that the deposits made to these accounts were in cash amounting millions of pesos,” ayon kay Santos.

Karamihan aniya sa cash deposits sa malalaking halaga ay isinagawa sa single-day transactions lamang.

 

 

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *