Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P15-M shabu nasabat sa Maynila

101714 shabu arrest QCNAKOMPISKA ng Task Force Tugis at HPG-SOD ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa isang kotse sa Agoncillo St., Malate, Maynila. Arestado sa operasyon ang driver ng kotse na si Sheila Somar. (ALEX MENDOZA)

TINATAYANG P15 milyon halaga ng shabu ang nakompiska mula sa isang kotse ng pinagsanib na pwersa ng Task Force Tugis at Highway Patrol Group sa Malate, Maynila.

Nagmamatyag sa bahagi ng Agoncillo St., ang mga pulis kaugnay ng natanggap na tip tungkol sa mga iskalawag na pulis na nangha-hijack ng sasakyan, nang mapansin ang isang kahina-hinalang kotse dakong 11:45 p.m. Miyerkoles ng gabi.

Ininspeksyon nila ito at tumambad sa kanila ang tatlong kilo ng shabu na nakasilid sa plastic sa loob ng isang bag.

Sakay ng kotse ang babaeng kinilalang si Sheila Somar.

Ngunit itinanggi ni Somar na may kinalaman siya sa operasyon ng illegal na droga. Aniya, hindi siya marunong mag-drive ngunit nakuhaan siya ng driver’s license.

Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon sa mga iskalawag na pulis ang pagkasabat sa shabu.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …