Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makipagsabayan sa showbiz chikahan gamit ang libreng Internet offer ng Smart, Sun, at Talk ‘N Text

101714 Free Internet smart sun tntHuwag magpahuli at maging laging updated sa iyong mga paboritong artista gamit ang libreng Internet offer ng Smart, Sun at Talk ‘N Text.

Sa ilalim ng offer na ito ay magkakaroon ng libreng 30MB worth ng Internet surfing ang prepaid, postpaid at broadband subscribers ng Smart, Sun Cellular at Talk ‘N Text na valid sa loob ng isang araw. Gamit ito ay maaari mo nang mabasa ang pinakahuling showbiz chika mula sa iba’t ibang showbiz news sites at blogs, pati na rin ang mga social media accounts ng iyong mga paboritong artista. May kasama ring libreng unlimited Facebook ang offer kaya maaari ka nang makakuha ng showbiz updates sa umaga, hapon at gabi.

Ngayon ay mas madali ka nang magiging bida sa mga kuwentuhan kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay. Makiuso na sa mga OOTDs nila Anne Curtis at Solenn Heussaf sa kanilang instagram accounts o maki-trending at ‘humashtag’ na sa twitter. Maaari na rin sundan ang bawat galaw ng James Reid-Nadine Lustre loveteam sa kanilang official Facebook page at maging official member ng JaDination fans club! Pwede nang i-search ang pinakabagong balita tungkol kina Angel Locsin at Luis Manzano at ang latest sa darating na kasal ni Marian Rivera.

Upang mag-register, i-type lang ang FREE at ipadala sa 9999 at maaari mo nang magamit ang 30MB ng libreng Internet na may kasamang unlimited Facebook sa loob ng isang araw. Maaari kang mag-register araw-araw upang ma-enjoy ang free Internet at unlimited Facebook offers.

Hindi kabilang sa libreng Internet offer ang pag-download at panonood ng videos (maliban sa mga videos na panonoorin sa Facebook), paggamit ng peer-to-peer file sharing apps tulad ng Bittorrent, paggamit ng VOIP apps tulad ng Facetime at Viber, at ng messaging apps tulad ng Line, WeChat, at Whatsapp (maliban sa Facebook Messenger). May kaukulang regular data charges ang paggamit ng mga services na ito.

Maaaring ma-experience ng subscribers ang Free Internet offer sa mga data-capable feature phones o mga smartphone na umaandar sa Android, iOS, at Windows operating systems. Ang special offer na ito ay available hanggang January 5, 2015.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …