ni Alex Brosas
ABA, malayo na pala ang inabot ng controversial black see-through gown na isinuot ni Kristel Moreno sa 8th Star Magic Ball.
Nabasa namin sa isang Facebook account na inirampa na raw ang gown na ‘yan na gawa ng world renowned Filipino fashion designer na si Rocky Gathercole sa London Fashion Week noong September 12-16 at sa Phoenix Fashion Week na ginanap sa Phoenix Arizona last October 2-4.
Controversial ang nasabing gown dahil lait ang inabot ni Kristel nang isuot niya ito sa Star Magic Ball. Mayroon kasing portion ang gown na see-through kaya naman kitang-kita ang taba ng aktres.
Ang dagdag pang chika, nagustuhan ni Jennifer Lopez ang nasabing gown at kanya itong binili para sa isang concert.
So, ang feeling ba ni Kristel ay vindicated siya dahil nakasama sa London Fashion Week ang gown na isinuot niya?