Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Alcasid, lilipat na rin sa ABS-CBN?

ni James Ty III

101514 ogie

NAGING guest sa ASAP 19 kamakailan ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid at nagpakuha pa siya ng retrato kasama si Erik Santos sa Instagram account niya.

Dahil sa pangyayaring ito ay marami ang nagsasabing malaki ang posibilidad na lilipat si Ogie sa ABS-CBN lalo na tila nagiging tahimik ang career niya sa TV5.

Sa ngayon ay host si Ogie ng Let’s Ask Pilipinas sa TV5 bukod sa pagiging musical consultant ng estasyon ni Manny V. Pangilinan.

Mula noong lumipat si Ogie mula GMA patungong TV5 ay hindi naging matagumpay ang ilang shows niya tulad ng The Mega and the Songwriter nila ni Sharon Cuneta na pumalpak sa rating kalaban ang Gandang Gabi Vice.

Hindi na rin itinuloy ng TV5 ang dapat sanang teleserye ni Ogie dahil ilalagay ng estasyon ang mga laro ng PBA sa primetime.

Matatandaang umalis si Ogie sa GMA dahil hindi na siya masaya sa takbo ng Sunday All-Stars na bukod sa sobrang pangit ay inilipat ito ng oras sa alas-dos ng hapon na senyales na talagang talo ito sa ASAP.

Bukod dito, kaibigan si Ogie nina Martin Nievera at Gary Valenciano at gumawa pa siya ng kanta para sa dalawang haligi ng ASAP.

Nasa Los Angeles ngayon ang grupo ng ASAP at ipalalabas ang show nila doon sa TV sa October 19.

Pre-taped ang guesting ni Ogie sa ASAP bago sila umalis patungong LA.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …