Saturday , November 23 2024

Standard ng koops itinaas (4,000 leaders magkakaisa sa Summit)

101614_FRONT

MAHIGIT 4,000 lider-kooperatiba sa bansa ang tumugon sa panawagan na itaas ang pamantayan ng kooperasyon at kahusayan sa hanay ng mga kooperatiba habang sila ay masiglang sinalubong ni Mayor Michael L. Rama sa Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City nitong October 16-18, 2014 para sa tatlong-araw na pagdaraos ng 12th National Cooperative Summit na bibisitahin ni Cebu Governor Hilario P. Davide III para ipaabot ang kanyang mensahe ng pakikiisa.

Magkatuwang na ini-organisa ng Cooperative Development Authority (CDA) at Philippine Cooperative Center (PCC), sa pakikipagtulungan ng VICTO National Federation of Cooperatives and Philippine Cooperative Central Fund Federation (PCF), ang mga pangunahing opisyal ng pamahalaan, economic leaders, academicians at kilalang cooperative leaders ang magbibigay ng kanilang mga pananaw sa mga hamon at oportunidad sa 2020 Cooperative Decade.

Si dating Budget Secretary Benjamin E. Diokno ang keynote speaker na may temang “Coops 2020: Raising the Bar.”

Ayon kay PCC Chairman Emeritus Agapito “Butz” Aquino, “ang tema ay nagmumungkahi ng bagong hamon sa mga kooperatiba na magkaroon ng makabuluhang ugnayan hindi lamang sa lokal na komunidad kundi maging sa buong bansa. Maraming kooperatiba ang tinatamad na umunlad at magpalawak dahil nangangamba silang buwisan nang malaki. Ang pagtataas ng pamantayan ay nangangahulugang tayo ay competitive gaya sa isang korporasyon na nagbabayd ng buwis. Ang paglawak ng cooperative movement ay nangangahulugan ng pagkalahatang pagsulong para sa mga miyembro.”

Ang Summit ay isang okasyon para sa limang bagay sa sector ng kooperatiba. Una, ito ay lundo ng mga aktibidad mula noong Summit 2012. Ikalawa, ihaharap dito ang Blueprint ng Cooperative Decade 2020, ang iba’t ibang Forum Declarations ng mga kooperatiba, at thematic breakout sessions mula sa apat na cooperative clusters. Ikatlo, kilalanin ang mahuhusay na kooperatiba, mga lider, manggagawa at mga nabubuhay na huwaran ng kilusan. Ikaapat, pagpapakita ng kooperasyon sa hanay ng mga kooperatiba. Panghuli, ang Summit ay panawagan para sa isang pagkilos dahil lalagdaan dito ang mga kasunduan sa pagitan ng mga kooperatiba upang itaas ang pamantayan ng galing at kooperasyon.

Sa pamamagitan ng isang taped video, ipaliliwanag ni Dame Pauline Green, President ng International Cooperative Alliance (ICA), ang ICA 2020 Vision habang sa national level, ipipresenta ni CDA OIC-Chairman Eulogio T. Castillo ang Philippine Cooperative Medium-Term Development Plan (2016-2020), na binuo nang buong husay upang mapanatiling humaharap sa hamon ng panahon at naibibigay ang krusyal na papel sa pagpapatatag ng bansa.

Ipipresenta rin ni National Cooperative Development Council Chairperson Sylvia O. Paraguya ang Philippine Cooperative Center 2020 Strategic Direction at si dating CDA Chairman Emmanuel M. Santiaguel ang bubuo ng synthesis ng lahat ng presentasyon ICA 2020 Vision, PCMTDP and PCC 2020, habang si Coop-NATCCO Party List representative Cresente C. Paez ay magbabahagi ng kanyang insights sa Blueprint of Cooperatives 2020.

Idinagdag ni PCC Chairperson Doris Cañares, “in support of the Blueprint, various declarations by the cooperative sector in different forums around the country will be reported and there will be reactors from select primary cooperatives and federations who would critique relevant points pertaining to cooperative development.”

Sinabi ni San Dionisio Credit Cooperative Chairman Garibaldi O. Leonardo, nagharap ng deklarasyon ng billionaire and millionaire cooperatives sa Philippine Cooperative Center bilang apex organization ng cooperative movement nitong Hunyo 17, 2014, sa Puerto Princesa City, Palawan, “the cooperative leaders, are sending forth a clarion call to the more than 23,600 cooperatives nationwide with some 13 million members to debunk divisiveness and apathy, and for them to pursue their strengths, which lie in solidarity, cooperation and societal concerns.”

Si NORLU-CEDEC CEO Rafael Gayoso ang maghahanda ng critique.

Iuulat naman ni PCC Director Norma Pereyras ang Gender and Development (GAD) Declaration na binuo noong Marso 26, 2014 sa Subic Bay Free Port, Olongapo City, Zambales, na nananawagan sa stakeholders na iangat ang gender-fair cooperatives na nagrerespeto sa karapatang pantao, at tuluyang tinatanggal ang mga sagka sa relihiyon, kulay, edad, ethnicity, lahi, kultura at gender. Si Lamac Multi-Purpose Cooperative General Manager Elena C. Limocon ang magbibigay ng insights.

Si Cañares ang mag-uulat ng deklarasyon ng 350 cooperative leaders at stakeholders sa 1st Cooperative Housing Summit noong Hulyo July 17, 2014 sa Quezon City. Si Daniel R. Ang, ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) Sectoral Representative for Cooperatives, ang magpapaliwanag kung paanong ang housing cooperatives ay magiging solusyon sa pangangailangan ng mga pabahay sa bansa.

Sa gaganaping Summit, pararangalan ng PCC ang living icons ng cooperative movement sa pamamagitan ng Bigay Pugay awards. Ang mga pararangalan ay sina Sen. Agapito ‘Butz’ A. Aquino ng National Cooperative Movement Service Cooperative, Judge Esperenza F. Garcia ng Cebu CFI Community Cooperative, Felix A. Borja ng Cooperative Union of the Philippines, Valentina S. Tomas ng Nueva Vizcaya Alay Kapwa Multi-Purpose Cooperative, Fermin L. Gonzales ng CLIMBS Life and General Insurance Cooperative, Herminio C. Hernandez ng San Dionisio Credit Cooperative, Fr. Benedicto A. Jayoma ng PFCCO National, Angel F. Echano ng Basud Development Cooperative, Edna S. Aberilla ng Cooperative Development Authority, Mother Leontina Castillo ng Cooperative Education and Development Center, Sister Marietta P. Demolino, SMCC ng National Cooperative Movement Service Cooperative, at Bonifacio V. Borromeo of the Maripipi Multi-Purpose Cooperative. Kikilanin din ng CDA ang most outstanding cooperatives, leaders and cooperative development offices sa bansa sa pamamagitan ng Gawad Parangal 2014.

Ang Summit partners at major sponsors ay Land Bank of the Philippines, Peace and Equity Foundation, National Confederation of Cooperatives (NATCCO), VICTO National Cooperative Federation and Development Center, Philippine Cooperative Central Fund Federation (PCF), CLIMBS Life and General Insurance Cooperative, MASS-SPECC Cooperative Development Center, Philippine Federation of Credit Cooperatives (PFCCO) National, Cooperative Insurance System of the Philippines (CISP), PhilAm Asset Management, Inc. (PAMI), at Pascual Consumer Healthcare Corp.

 

HATAW News Team

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *