CEBU CITY – Matamlay at ayaw makihalubilo ng isang mixed breed poodle sa kapwa hayop at pamilyang nag-aalaga sa kanya matapos gahasain ng isang lasing na lalaki sa Brgy. Upper Cubacub, lungsod ng Mandaue, Cebu kamakailan.
Ayon kay Salvador Secuya Zapanta, may-ari ng mixed breed poodle, naging matamlay ang aso makaraan ang pang-aabusong naranasan sa suspek.
Ikinababahala ng may-ari na ang pananamlay ay sanhi ng sugat sa ari ng aso na patuloy sa pagdurugo kaya agad niyang dinala sa beterenaryo.
Isinusulat ang balitang ito’y nanghihina pa rin at palagi na lamang nakahiga sa isang sulok ang dati ay palaibigan at malambing na alaga.
Magugunitang inaresto ang suspek nang ituro ng mga saksi na nagparaos sa aso sa loob ng 30 minuto.
Labis anila ang kalasingan ng suspek na isang janitor at napag-alaman ding gumagamit ng illegal na droga.
Samantala, kinompirma ni PO1 Urbensith Felecio ng Mandaue City Police Office (MCPO), na positibo sa liqour test ang suspek kasunod ng insidente.
Nabatid na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong ginawa ng suspek ang panggagahasa sa mga hayop.
Bukod sa pamboboso, una na rin nagparaos ang suspek sa inahing baboy sa kanilang lugar sa Brgy. Looc Ubay, probinsiya ng Bohol.
Gayon man, hindi itinuloy ni Zapanta ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek dahil sa pagkaawa.
Ngunit binalaan na lamang na umiwas at huwag nang bumalik pa sa kanilang barangay. (HNT)