GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang dating vice mayor ng Maasim, Sarangani province makaraan pagbabarilin kahapon ng umaga.
Kinilala ni Insp. Rodel Javison ng Maasim Police Station, ang biktimang si Eulojio Benitez, 82, residente ng Sitio Ilaya, Brgy. Colon, Maasim.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 7 a.m. pumunta si Benitez sa kanyang farm sa nasabing lugar sakay ng isang traysikad.
Maya-maya ay may tatlong putok ng baril na narinig sa lugar at nadatnan na lamang ng live-in partner ang biktima na nakabulagta sa lupa at may tama ng baril habang ang gunman ay mabilis na tumakas papunta sa mabundok na bahagi ng lugar.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.