Saturday , December 28 2024

Plaza Miranda, Quiricada St., nilinis na ng MPD kailan naman kaya ang Gandara St. sa Binondo?

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI ang natutuwa at s’yempre nagtataka rin sa biglang paglilinis na ginawa sa Quricada St., sa Sta. Cruz at sa Plaza Miranda sa Quiapo.

Pero sabi nga, ang overall impact niyan ‘e maginhawa para sa lahat. Sa commuters, sa pedestrians, sa parishioners at maging sa mga motorista.

Kamakalawa, nawala na ‘yung mga nakahambalang na medical equipments sa Quiricada St., malapit sa Avenida Rizal.

Ginagawa kasi ng mga tindahan ng medical equipments sa Quiricada pati ‘yun bangketa ay sinasakop nila para lagyan ng mga display nila. Hindi lang Quiricada ‘yan pati sa Bambang St., ganyan ang ginagawa ng mga tindahan ng medical equipments.

Kahapon naman, maraming regular churchgoers ang nagulat nang makitang napakaluwag ng harapan ng Plaza Miranda … kumbaga talagang kakaiba ‘yan sa pakiramdam nila.        Walang vendor at walang naka-park na mga sasakyan.

Pinangunahan mismo ni S/Insp. Rommel Anicete ang paglilinis sa Plaza Miranda.

Sana, araw-araw nang ganyan sa area of responsibility (AOR) mo Kapitan Anicete.

Pero kung magagawi pa rin kayo sa Gandara St., ay grabe, wala ka nang malakaran na bangketa dahil sa mga upholstery shop na ginagamit ang bangketa sa paggawa ng lona. Pati kalsada ay kabi-kabila ang parking (double parking).

Kung hindi tayo nagkakamali ‘e nasa kanto lang ang Gandara PCP sa ilalim ng Manila Police District Meisic Station (PS 11), hindi ba nila kayang linisin ‘yang Gandara mismo?!

Mayroon bang ‘parating’ ang mga tindahan na ‘yan sa Gandara PCP!?

Chief Insp. Luis Guisic, hihintayin mo pa bang utusan ka ni MPD director. C/Supt. Rolando Nana, Jr., para linisin ang Gandara?!

Aba umaksiyon ka na agad!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *