Friday , November 22 2024

Plaza Miranda, Quiricada St., nilinis na ng MPD kailan naman kaya ang Gandara St. sa Binondo?

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI ang natutuwa at s’yempre nagtataka rin sa biglang paglilinis na ginawa sa Quricada St., sa Sta. Cruz at sa Plaza Miranda sa Quiapo.

Pero sabi nga, ang overall impact niyan ‘e maginhawa para sa lahat. Sa commuters, sa pedestrians, sa parishioners at maging sa mga motorista.

Kamakalawa, nawala na ‘yung mga nakahambalang na medical equipments sa Quiricada St., malapit sa Avenida Rizal.

Ginagawa kasi ng mga tindahan ng medical equipments sa Quiricada pati ‘yun bangketa ay sinasakop nila para lagyan ng mga display nila. Hindi lang Quiricada ‘yan pati sa Bambang St., ganyan ang ginagawa ng mga tindahan ng medical equipments.

Kahapon naman, maraming regular churchgoers ang nagulat nang makitang napakaluwag ng harapan ng Plaza Miranda … kumbaga talagang kakaiba ‘yan sa pakiramdam nila.        Walang vendor at walang naka-park na mga sasakyan.

Pinangunahan mismo ni S/Insp. Rommel Anicete ang paglilinis sa Plaza Miranda.

Sana, araw-araw nang ganyan sa area of responsibility (AOR) mo Kapitan Anicete.

Pero kung magagawi pa rin kayo sa Gandara St., ay grabe, wala ka nang malakaran na bangketa dahil sa mga upholstery shop na ginagamit ang bangketa sa paggawa ng lona. Pati kalsada ay kabi-kabila ang parking (double parking).

Kung hindi tayo nagkakamali ‘e nasa kanto lang ang Gandara PCP sa ilalim ng Manila Police District Meisic Station (PS 11), hindi ba nila kayang linisin ‘yang Gandara mismo?!

Mayroon bang ‘parating’ ang mga tindahan na ‘yan sa Gandara PCP!?

Chief Insp. Luis Guisic, hihintayin mo pa bang utusan ka ni MPD director. C/Supt. Rolando Nana, Jr., para linisin ang Gandara?!

Aba umaksiyon ka na agad!

SANDAMAKMAK NA PNP-NCRPO BAGMAN NAGLUTANGAN NA NAMAN!

DAPAT sigurong magbuo ng kanyang sariling intelligence group si NCRPO chief, C/Supt. Carmelo Valmoria.

Hindi kaya nalalaman ni Gen. Valmoria na isang Major ang gumagawa umano ng deal sa mga ilegalista sa pamamagitan ng isang cellphone number?!

Habang ang mga mangongolekTONG naman umano ay isang alias BOY GA-GO, NOEL DE CASHTRO, NOLI ASPILETA at IRINGKO.

Ayon sa mga Bicutan bagman, sila na raw ang inatasan ni Gen. Valmoria at ni Secretary Mar Roxas para kunin umano ang para sa kanilang bulsa ‘este’ opisina?!

As usual, simpleng-simple ang rason ng mga bagman, sila ang inatasan ng NCRPO …

Dahil sila raw ang nanalo sa bidding-biddingan?!

What the fact!?

STOP NOGNOG 2016 GAWA-GAWA LANG DAW NG OPOSISYON?

PINAG-UUSAPAN sa mga coffee shop ngayon ang STOP NOGNOG 2016.

‘Yan daw ‘yung matinding demolition job laban kay Vice president Jejomar Binay.

Ang pagbubunyag ay galing mismo sa mga spokesperson ni VP Binay.

Sus naman … paano naman magiging kapani-paniwala ‘yan kung mismong kampo ninyo ang source.

Hindi man lang ba ninyo naisip kumuha ng isang private investigation and detective agency o kaya ang NBI o CIDG para sila ang gumawa ng imbestigasyon d’yan sa sinasabi n’yong OPLAN Stop Nognog 2016?!

Ano ang pinanghahawakan ninyo ebidensiya?!

Laway!?

Wala na bang maisip na pang-damage control ang mga spokesperson at PR ni VP Jojo ‘overpriced’ Binay!?

Halatang-halata tuloy na sa inyo lang din galing ‘yang ‘rebelasyon’ na ‘yan.

‘Yung ibang gimik naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *