Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, 3 weeks nang BF si Bret

ni Alex Datu

101414 BRET jackson ANDI eigenmann

HIWALAY na sina Andi Eigenmann at Jake Estrada kaya balitang kung kani-kanino sila nakikipag-date.

Madalas ngayon napagkikitang magkasama sina Andi at Brent Jackson at si Jake naman, caught-in-the act umano na may kahalikang girl na itinuturong ugat ng hiwalayan ng dalawa. Kamakailan ay may nag-PM (private message)  sa amin at may naka-attach na pictures nina Andi, Brent at mga kaibigan na kuha sa isang bar.  Masasaya silang lahat at may picture  na hinahalikan sa pisngi si Andi ni Brent.

Ayon sa aming source, magsyota na ang dalawa, three weeks na sila mula noong nag-PM  sa akin at kasunod dito ‘yung napagkikita ang dalawa sa mga showbiz events tulad ng The Naked Truth. Pero nang tanungin si Andi kung makikipagbalikan pa ito kay Jake, aniya, ayaw niyang magsalita ng tapos.

Ayon sa interbyu sa aktres ng The Buzz, nagdesisyon na si Jake na mag-babago at pupunuan ang pagkukulang sa kanya pero tulad ng kasabihang ‘promises are made to be broken’ ay nagkatotoo in the process of their reconciliation na natukso si Jake sa ibang babae. Nakunan umano ang nasabing halikan at ayon pa sa balita, kaya nangyari ‘yun ay dahil nadiskubre ni Jake na ini-entertain ni Andi ang dating PBB housemate. Puwedeng isiping may ‘ganti’ factor sa dalawa.

Inamin ni Andi na nakikipag-date siya at masaya siya. Aniya, kaya niya nagawa iyon ay dahil pakiramdam niya ay naloko siya dahil umasa siyang mahal siya ni Jake.

Pinilit naman daw ni Jake na mag-sorry at ayusin ang lahat ng gulo pero ayon kay Andi, huli na ang pagpaparamdam nito.

“Natuwa naman po ako. Ipinakita niya sa akin na kaya niyang magbago. Pero para sa akin po, sana noon pa niya kinayang gawin iyon. Bakit ngayon lang na wala na? Habang kami, I never felt na I deserved it, to be ‘yung maging proud na ako ‘yung taong mahal niya. Wala akong nakuhang ganoon noon. Kaya imbes na it can be a way for me to forgive him, lalo lang akong nagalit kasi bakit ngayon pa?” sentimyento nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …