ni Alex Datu
PUPUNTA si Nora Aunor sa New York para tatanggapin ang parangal sa kanya mula sa isang Pinoy community doon. Kasama sa plano ni Guy ang tumuloy sa Boston para magpa-opera ng lalamunan.
“Hindi na kailangan ni Nora ang magpa-opera, magdasal na lang siya at hingin ang kanyang God-given voice. Alam kong pakikinggan siya at ibabalik sa kanya ang boses niya,” ani Eva Vivar na kasabayan noon ni Nora at umaming nagkaroon siya ng karamdam sa lalamunan na naging sanhi ng pagkawala ng boses. Bumalik ang boses ni Eva nang bumalik siya sa Panginoon at muli siyang kumanta.
Aniya, nagkaroon ng mga kalyo at bukol sa lalamunan niya na kailangan talaga ang operasyon. Dulot ito ng sobrang gamit ng boses sa pagkanta mula sa pagkabata.
Si Eva ang may mahabang buhok na nagpasikat sa mga awiting Mr Love at Nobodys Child. Nawala siya sa sirkulasyon nang kumanta siya sa vessel cruise na nakilala ang kanyang naging asawa na isang opisyales sa barko at nagkaroon sila ng isang anak. Sa ngayon ay balik-showbiz, siya ang gray-haired lola ni Coco Martin sa isang chicken commercial. Siya rin ang lola niJohn Lloyd Cruz sa isang medicine commercial.