Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Weekly basketball ni Daniel kasama ang mga kaibigan, wala na

 

ni John Fontanilla

101414 daniel padilla

NALULUNGKOT daw ang Star Magic talent at isa sa malapit na kaibigan ni Daniel Padilla na si Jon Lucas sa desisyon ng mga taong nakapaligid sa aktor na mag-lie low ito sa mga kaibigan. Ito’y dahil na rin sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Daniel at ng isang kaibigan.

Isa nga raw ang friendship ni Daniel sa naapektuhan dahil after nga lumabas ang audio scandal ay nawalan na sila ng communication dahil hindi na rin nakakapag-text o ‘di na sumasagot sa tawag si Daniel.

Kaya naman daw ang weekly basketball nila kasama pa ang iba nilang mga kaibigan ay hindi na nangyayari.

Tsika ni Jon, “Nakalulungkot kasi simula nang lumabas ‘yung audio scandal matagal-tagal na rin kaming hindi na nagkakasama.

“Kung dati-rati almost every week nagkikita-kita kami para mag- basketball, ngayon wala na talaga.

“Iniintindi na lang namin kasi nga siguro nag-iingat na siya, kahit naman kasi sinong tao siguro ang gawan ng ganoon at alam mong kaibigan mo ang gumawa, mag-iisip at mag-iingat ka na rin talaga.

“Alam ko apektado kaming mga kaibigan niya, kasi kaibigan din niya ‘yung gumawa so kahit hindi kami ‘yun damay kami, kasi hindi naman niya naisip na kaya pala gawin ng kaibigan niya ‘yun, so naiintindihan namin kung isipin niya rin na baka kaya rin naming gawin ‘yun kasi kaibigan niya kami.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …