Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jason, si Vickie na ang pakakasalang babae

ni Roldan Castro

101314 vickie jason

ISANG malaking break kay Jason Abalos ang bagong teleseryeng handog ng ABS- CBN 2, ang Two Wives na mapapanood na sa Primetime Bida simula ngayong October 13, Lunes. Makakasama niya sina Kaye Abad at Erich Gonzales.

Kakaibang infidelity teleserye na sasagutin ang katanungan kung paano ang isang mistress ay magiging legal na asawa at ang legal na asawa ay magiging mistress?

Sa presscon ng naturang teleserye ay diretsahan natanong si Jason, bilang isang lalakI, may tendency Din kaya siyang magkaroon ng ibang babae sa buhay niya?

Mabilis naman na tugon ni Jason na hinding-hindi siya mangangaliwa, tulad kasi ng kanyang misis ay may damdamin din siyang masasaktan sakaling gawin niya ito o gawin ito ng kanyang asawa sa kanya. Hindi naman Itinatago ni Jason na natural din lang naman sa isang lalaki ang humanga sa isang babae pero dapat hanggang doon na lang iyon at hindi na kailangan pang humantong sa pangyayaring may masasaktang ibang tao.

Tinanong din si Jason kung ang 4th Big Placer sa PBB: All In na si Vickie ‘Vim’ Rushton na ba ang babaeng hahandogan niya ng wedding proposal?

“Mararamdam mo ‘yan. Puwedeng bukas, ‘di ba? Hindi mo masasabi ‘pag parehas na kayong handa,” sey niya.

Pero sa ngayon ay hindi pa dahil marami pa raw siyang dapat patunayan.

Buong ningning niyang sinabi na nag-i-invest siya ng emotions sa kanyang girlfriend dahil mahal niya ito at gusto niyang ito na ang babaeng pakakasalan.

Sey pa ng actor ng Two Wives na kapag ikinasal na sila ay kay Vickie na lahat ng pag-aari niya. Binigyan niya kasi ngayon ng car na gagamitin dito sa Maynila.

“Kasi, hindi na tayo bumabata para makipag­laro pa sa relasyon, ‘di ba? So, kung ano man ang mayroon ka ngayon, i­ngatan mo na.Tama ‘yung sinabi ni Erich na ang pagmamahal, isang desisyon. Kung mahal mo pa, ipaglalaban mo at desisyon mo rin kung ayaw mo na siyang mahalin. ‘Yun ‘yon, eh,” sambit pa niya.

Tsuk!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …