Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngipin ni Jeanne Harn sa harapan, nabasag

ni Timmy Basil

101314 jean harn

LABIS na nag-aalala ang dating Miss Earth Philippines winner na si Jeanne Harn dahil habang kumakain siya ay may nakagat na matigas kaya nabasag ang ngipin niya sa harapan.

Kinunan ni Jeanne ang basag niyang ngipin sa harap at sa totoo lang, ang laki na ng kaibahan nito sa rati niyang larawan na naka-full smile.

Noon ko pa kakilala si Jeanne at nabanggit ko sa kanya na siya ang beauty queen na may pinakamagandang full smile at marami ang nag-a-agree sa akin.

At dahil sa ganda ng kanyang ngiti kaya nakukuha siya sa mga commercial at isa na nga rito ay sa shampoo na mukha mismo niya ang nasa pabalat.

Paborito ring kunin si Jeanne sa corporate events. Pero ngayong nasira na ang isa niyang ngipin paano na ang kanyang raket?

A few days after, muling nag-post si Jeanne sa kanyang FB at bumalik na ang dating matatamis nitong ngiti.

Parang walang nangyari. Sino kaya ang gumawa nito’t ma-recognize man lang?

Ngayon balik na ulit sa dating raket si Miss Jeanne dahil maganda na ulit ang kanyang mga ngiti.

Angelo Ilagan, may anak na

MAY mga tagahanga pa rin ang former Star Magic talent na si Angelo Ilagan at happy siyempre sila dahil unti-unti nang bumabalik sa limelight ang kanilang idolo. Una siyang nakita sa isang indie movie na Unfriend at sunod-sunod na ang kanyang TV guesting.

Kamakailan ay napanood siya sa MMK bilang anak ni Jay Cuenca.

Wala tayong kamalay-malay pero isa na palang tatay si Angelo. ‘Di ko lang sure kung na-interview na si Angelo tungkol sa kanyang pagiging ama?

Yes, Angelo is now a father at hindi niya ito itinatago. In fact, proud na proud pa nga niyang ipinakikilala ang kanyang baby boy na si Aiden Zackary Abad sa kanyang social media accounts.

Ilang months pa lang ito at ngumingiti na at nakikinig kapag kinakausap siya ni Angelo. To quote Angelo, “’Yan po ang aking inspirasyon sa buhay kung bakit ako nagtatrabaho at magpapayaman para po sa kanya lahat ng ginagawa ko. Siya po ang buhay ko at nagbibigay ng kulay sa black and white ko na mga parte.”

May isa pa siyang caption sa photo ni Zackary. “With or without showbiz, no problem son, daddy will do anything for you.”

Nakabibilib naman si Angelo. Talagang nag-matured na siya at mahal na mahal niya ang kanyang anak.

Hindi na ipinakilala ni Angelo ang mother ng kanyang son.

Sa isa pang post ni Angelo, sinabi niya na nakipag-meeting siya kay Mr. M (Johnny Manahan) of Star Magic. Sana ay magtuloy-tuloy na ang trabaho niya sa showbiz. Kailangan niyang kumayod para sa kanyang anak.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …