Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel Granada, kayang pagsabayin ang singing at acting!

101314  Isabel Granada

00 Alam mo na NonieKADARATING lang ni Isabel Granada mula Bahrain bilang bahagi ng concert ni David Pomeranz at tuwang-tuwa ang tisay na singer/actress dahil kahit malaki ang venue ay napuno nila ito.

“I think si David and some Filipinos have seen me sing Got To Believe. So, parang nagkaroon siya ng idea na isama rin ako sa show na ginanap sa Bahrain International Circuit Ground, which is a big venue. Six thousand ang capacity nito, at punong-puno siya. Kaya thank you sa lahat ng mga kabahayan nating nanood at sa locals doon,” panimulang kuwento ni Issa.

Nabanggit din ni Isabel na sunod-sunod ang kanyang singing engagements ngayon sa abroad at natutuwa siya dahil may time ulit para sa kanyang singing career. “May show ako sa Japan at may cruise akong gagawin. Tapos sa December ay sa Philippine Fiesta sa Australia. Sa February na yung show ko sa Europe, na-move siya.

“Nagkataon lang po ito, like I did a couple of shows sa Australia last August. Kapag ganoon pala, ‘pag nag-show ka sa Australia at nalaman ng ibang groups, gusto rin nila na mag-show ka sa kanila dahil malaki ang Australia e. So hopefully ay magtuloy-tuloy.”

Bukod sa singing, may time rin ngayon sa acting ang unica hija ni Mommy Guapa. Naibalita nga ni Issa na matapos niyang maging bahagi ng ABS CBN TV series na Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, papasok din siya sa Hawak Kamay ni Piolo Pascual.

“Hawak Kamay has already called me, nagkataon lang na I was abroad. So, they’re calling me back.”

Idinagdag pa ni Issa na masaya siyang mabigyan ng chance na makapagtrabaho sa Kapamilya Network. “It’s a privileged, it’s an honor na makatrabaho ang mga tulad nina Kathryn and Daniel. Kasi, napakabait ng mga batang ito kaya hindi nakapagtatakang kinakikiligan sila talaga ng fans.”

Nagpapasalamat din si Isabel dahil sa pagdating ng maraming endorsements sa kanya. “Yes, nagpapasalamat po ako unang-una sa Haima cars, ‘It’s My Car’ ang tag line namin diyan. Then, sa Vital-C, Avail Philippines, FC Bio Sanitary Pads, Saver’s Home Depot, Cerd’s California Beau, Dream A, at iba pa.”

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …