Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi at Jake, magkasama na naman (Away-bating relasyon)


101214 Jake Ejercito Andi Eigenmann

00 fact sheet reggeeSamantala, natanong namin si Gabby tunkol kay Andi Eigenmann na heto at okay na naman sila ng kanyang greatest love na si Jake Ejercito, “actually, since greatest love nila ang isa’t isa kaya hindi na namin masyadong pinapansin kung nag-aaway sila kasi ilang araw lang, magkakabati rin sila.”

Kamakailan lang kasi ay nainterbyu si Andi sa The Buzz na talagang sinabing naghiwalay na sila ni Jake kasi nga may kumalat na litratong may kahalikang babae ang binata.

Pero nitong huli lang ay nakita namang ka-dinner niya si Jake sa isang restaurant sa Promenade, Greenhills.

At nitong naaksidente si Andi ay kaagad na pinuntahan siya ni Jake sa hospital.

AWAY-BATING RELASYON NINA ANDI AT JAKE

Tanong namin kay Gabby kung pinangangaralan ba niya bilang kuya ang kapatid niya na paulit-ulit na lang ang isyu pagdating sa pag-ibig?

“We give advise naman at sumusunod naman siya, pero hindi naman kasi ako nanghihimasok at nakikialam sa personal niyang buhay.

“Noong bata pa siya, tutok ako sa kanya, pero ngayong nasa edad na siya hindi na,” paliwanag ng aktor.

Pinagagalitan ba niya si Andi? “Hindi kasi kami (pamilya) ganoon. The more na pagalitan mo, the more na ipagbawal mo, gagawin nila. Ganoon kasi ang (ugali) ng Eigenmann, the more na pagbawalan mo, nag-e-enjoy sila kasi bawal, eh.

“Reverse lang, sabi ko (kay Andi), we always give you an advise, it’s your choice kung pakikinggan mo. Hindi kasi kami ganoon na ‘o, ito gagawin mo,’” pahayag sa amin.

Ano naman ang say ni Gabby sa pagiging babaero ni Jake?

“Feeling ko, hindi naman ano ‘yun (seryoso), nasa sa kanila ‘yun, hindi ko kasi alam ‘yung detalyado masyado pagdating sa ganyan. What we see is what we get lang.

“Greatest love nila ang isa’t isa (Andi) they’ve known each other, mga bata pa talaga sila. Feeling nga namin meant to be talaga. Sa loob ng four years nila, on and off sila.

“(Kahit nag-aaway), They’ll always end up on each other’s arm, eh. Sabi ko nga, kung masaya sila together which tried and tested naman, eh, ‘di go. Kung masaya sila na magkahiwalay, eh, ‘di go, basta kung saan sila masaya, roon kami,” kuwento ni Dading Gabby.

Hindi ba sila nagagalit kay Jake na parati na lang nitong pinasasama ang loob ni Andi?

“Hindi, eh. Hindi ako ganoong kuya. Kasi problema nila ‘yan. Kung halimbawa nga na may ganyan, is she (Andi) allowing it? ‘Yun lang naman ang mga kuwestiyon namin kasi at the end of the day, kung hindi sila, ah ok.

“Inuunawa namin si Andi, kasi siyempre single mom siya, kung sino man ang papasok sa buhay niya, gusto mo ‘yung aalagaan siya. Who would take full responsibility and naipakita naman ni Jake ‘yun kaya wala akong masasabi sa kanya, kaya medyo malungkot na ganoon nga, nagsalita si Andi na naghiwalay sila (kamakailan), pero sabi ko, babalik at babalik ‘yan, greatest love nga nila ang isa’t isa (nangyari nga),” katwiran ng aktor.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …