Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pingris babalik sa San Mig sa Nobyembre — Cone

101114 tim cone marc pingris

PINAGPAPAHINGA muna ni San Mig Super Coffee head coach Tim Cone ang kanyang pambatong power forward na si Marc Pingris sa loob ng tatlong linggo pagkatapos ng kanyang mahabang panahong pagsisilbi sa Gilas Pilipinas.

Kagagaling lang si Pingris sa kampanya ng Gilas sa FIBA World Cup at Incheon Asian Games kaya hindi muna siya pinasisipot sa ensayo ng Coffee Mixers.

“ Ping will be back for us in November,” wika ni Cone. “Our concern now without him is how the other guys continue to do the little things needed to win. Moving forward is now our approach.”

Habang nagpapahinga si Pingris ay nagsama silang dalawa ng kakampi niya sa Gilas na si Jeff Chan sa panonood ng Game 2 ng FEU-NU finals ng UAAP sa Smart Araneta Coliseum noong Miyerkoles.

Ang unang laro ni Pingris sa San Mig sa PBA Philippine Cup ay sa Nobyembre 9 kontra Barangay Ginebra San Miguel.

Maghaharap ang Mixers at Kings sa tune-up game mamaya sa Ronac Gym sa San Juan .

Ilang beses na natalo ang San Mig sa mga pre-season games sa Korea, pati na rin kontra NLEX noong isang Sabado sa Binan, Laguna.

“I don’t like the fact that we’re losing in the pre-season,” ani Cone. “But this is the reality of it all. Other teams will get better and work harder so we’ve got to work smarter and harder. Our focus is trying to win our first game (kontra Alaska sa Oktubre 22).”

Samantala, maghaharap ang San Miguel Beer at Meralco sa pagpapatuloy ng PBA Holcim Liga ng Bayan mamayang alas-5 ng hapon sa Blue Eagle Gym sa loob ng kampus ng Ateneo de Manila sa Quezon City.

Tinalo ng Beermen ang Rain or Shine, 78-77, sa Angeles City noong Setyembre 12 samantalang ginapi ng Bolts ang Ginebra, 91-79, sa Panabo, Davao del Norte noong Linggo.

Kinabukasan ay magbabanggaan ang Talk n Text at Globalport sa Legazpi, Albay.

Maghaharap sa nasabing laro ang dalawang rookies na sina Kevin Alas ng Tropang Texters at Stanley Pringle ng Batang Pier.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …