Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inaalat si Cayetano

00 BANAT alvin

Mukhang mauunsyami ang planong pag-angat ni Senador Alan Peter Cayetano sa mas mataas na posisyon sa ating pamahalaan.

Malinaw kasi sa survey na isinagawa ng Pulse Asia na nanatiling kulelat pa rin si Mang Alan sa labanan ng pagka-pangulo o sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

Sa madali’t salita, mukhang wa epek sa sambayanang Pilipino ang ginagawa nitong paggiba kay VP Jojo Binay gayung ang agenda naman ng kanyang paglalantad sa katiwalian ng pamilya ng pangalawang pangulo ay bumango sa isipan ng publiko lalo’t higit sa masang mamboboto.

Maging ang milyon-milyong ginastos sa pondo ng Taguig City para sa infomercial nito sa telebisyon ay nagmistula ring walang silbi dahil hindi ito nakatulong sa kanyang pagpapapogi.

Kitang-kita sa lumabas na survey na dedma ang publiko sa gimik na ito ni Alan na asawa ni Aling Lani kaya’t dapat nang umisip ng mas kakaiba pang gimik ang mambabatas na taga-Taguig baka sakaling umangat siya ng pwesto.

Ipinakita ng pinakahuling survey ng Pulse Asia na mas lumagapak pa si Alan sa survey dahil noong June ay nakakuha siya ng 5 percent samantalang sa huling survey ng naturang kompanya na isinagawa noong ikalawang linggo ng Setyembre ay sumadsad pa ito sa 1 percent.

Pursigido si Alan na maging pangulo ng bansa pero mukhang mananatili na lamang itong pangarap dahil gaya noong nakaraang senatorial polls ay inasam niya ang numero unong pwesto pero dinaig pa rin siya ni Grace Poe, na isang bagito sa larangan ng pulitika.

***

Tama ang payo ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian sa mga Chinoy na maging alerto at handa sa lumalalang kriminalidad sa bansa.

Malinaw sa mambabatas na taga-Valenzuela na hindi dapat mag-rely sa mga alagad ng batas ang mga Chinoy at sa halip ay dapat itong gumawa ng sariling hakbang para sa kanilang kaligtasan .

Ang advice ni Gatchalian ay maging pro-active ang mga Chinoy kagaya ng pagkuha ng sariling security para mailang sa kanila ang masamang loob.

Tama lamang ang suhestiyon ng kinatawan dahil kitang-kita naman kung gaano na kalala ang kriminalidad sa bansa.

 

 

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …