Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Richard, malungkot na masaya sa pagtatapos ng Be Careful…

ni John Fontanilla

092714 Jodi richard

MAGKAHALONG lungkot at saya ang naging Thanksgiving Party ng hit serye na Be Careful with my Heart.

Masaya dahil muling nakasama ng buong casts and crew ang mga press at malungkot dahil sa announcement na tatapusin na nila ang fairytale story nina Maya at Sir Chief na magtatapos sa Nov. 28, 2014.

Kaya naman marami sa kapatid sa panulat ang nalungkot dahil marami pang ini-expect ang mga ito sa mga susunod na mangyayari sa pamilyang minahal ng mga manonood ‘di lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

At sa nalalapit na pamamaalam ng Be Careful…may mga bagay daw na gustong ipaalala sina Jodi Sta. Maria at Sir Chief (Richard Yap) sa kanilang masugid na manonood patungkol sa kanilang serye.

“Sa tuwing maiisip nila kami, babalik sa puso nila ‘yung lahat ng moments ng programa na nagdulot ng ngiti sa kanilang mga labi at nabigay sa kanila ng say, pag-asa, at inspirasyon,” ani Jodi.

“Bukod sa kasiyahan at pag-asa sa buhay, gusto ko sanang maalala ng viewers ang ‘Be Careful with my Heart’ bilang teleseryeng nagturo sa kanila na gumawa ng mabuti sa ating kapwa,” sambit naman ni Richard.

Kaya naman daw ‘wag pahuhuli at tutukan ang nalalabing ilang buwang pagpapalabas ng Be Careful with my Heart, araw-araw, 11:30 a.m. sa Primetanghali ng ABS CBN bago mag-It`s Showtime.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …