ni JOHN FONTANILLA
AFTER manalo sa Manhunt International 2013 (1st Runner-up) at tanghaling Mr. Sony Philippine 2013 ay nagkasunod-sunod na ang proyektong dumarating kay Justin Hizon
Nakapag-guest na ito sa Maynila bilang ex -boyfriend ni Thea Tolentino at nagbida na rin sa mga stage play na Noli Me Tengere bilang si Ibarra. At lately ay nag-guest ito sa Ijuanderkasama ang grupong La Churva.
Bida rin ito sa Mid Sumer Nights Dream kasama sina Geoff Taylor, Wendy ng PBB, Arny Ross Roque, at Jasper Cruz. Wish daw ni Justin na makasama sa isang teleserye na maipakikita nito ang kanyang talento sa pag-arte.
Tsika ni Justin, ”Bata pa ako dream ko na ang mag-artista, gusto ko kasing napapanood ang sarili kong umaarte katulad ng mga hinahangaan kong artista.
“Kaya nga very thankful ako sa manager ko (Henry Hernandez) dahil siya ‘yung nagbukas sa akin ng pinto para maging artista at maging modelo.
“Sana dumating din ‘yung time na makasama ako sa mga teleserye ng GMA 7 o sa mga soap ng ABS-CBN at TV 5,”pagtatapos ni Justin.