MAKARAAN ang pagdadalawang-isip bunsod ng ‘privacy concerns,’ inihayag ng Malacañang kahapon na pabor sila sa panukalang pagpaparehistro sa prepaid subscriber identity module (SIM) cards sa bansa.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa press briefing sa National Telecommunications Commissions (NTC), napapanahon nang magpasa ng batas para sa SIM card registration.
“The executive branch has manifested its support to proposed bills that are now being discussed in Congress,” ayon sa opisyal.
Gayonman, aminado siyang ang nakaraang NTC circulars kaugnay sa SIM card registration ay ipinatigil ng korte.
Nauna rito, nanawagan si anti-crime crusador Teresita Ang See para sa pagpapasa ng batas na naglalayong iutos ang prepaid SIM registration upang madaling matunton ng mga awtoridad ang mga kriminal
Nitong nakaraang taon, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kailangang pag-aralan nang mabuti ng Palasyo ang panukala dahil maaaring malabag nito ang ‘constitutional right to privacy’ ng mga mamamayan.
(ROSE NOVENARIO)