Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jueteng sa Taguig, Pateros, Muntinlupa at Parañaque

00 firing line robert roque

NAIBALITA sa akin ng mga espiya sa South ng Metro Manila na tuloy-tuloy na ang jueteng operation nina Tony “Bolok” Santos at Kenneth Co sa Muntinlupa matapos pansamantalang maipatigil dahil sa pagpasok ng larong Bingo Milyonaryo ng PCSO sa lungsod.

Papaano ba nakabalik ang jueteng sa siyudad, Senior Supt. Allan Nobleza, Muntinlupa police chief?

***

Bukod sa Muntinlupa, patuloy pa rin ang pag-ani ng pasugal nina Bolok at Kenneth sa mga siyudad ng Taguig at Parañaque, at sa bayan ng Pateros.

Sa Taguig, ang nangangasiwa ng jueteng operation nina Tony at Kenneth ay isa umanong pulis na kung tawagin ay J. Laurel.

Bukod sa pagiging maintainer ng jueteng, itong si Laurel, ayon sa mga espiya, ay may negosyong lotteng sa buong Taguig at nagtatrabaho rin bilang kolektor ng isang opisyal ng Taguig police sa lahat ng ilegal na negosyo sa siyudad.

Alam kaya ni Senior Supt. Arthur Asis, Taguig police chief, ang kalokohan nitong si Laurel?

Mayor Maria Laarni “Lani” Cayetano, totoo nga po ba talaga na “Walang Corrupt sa Taguig”?

***

Walang ring humpay ang pangongolekta ng taya ng mga kubrador ng jueteng nina Tony at Kenneth sa Parañaque at Pateros.

Kaya raw ganito ay dahil nakapasok daw ang mga kamay ng ilang opisyal ng pulisya at city hall sa bulsa ni alyas “Bernie”, ang taga-areglo ni Tony sa mga awtoridad.

May mga nasalpakan din umano ng milyon-milyong piso na “goodwill” sa Camp Crame kaya nakapaglagay sila ng jueteng sa southern part ng Metro Manila.

Ano kayang masasabi nina Director Carmelo Valmoria, National Capital Regional Police Office chief, at Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte, Southern Police District chief, tungkol dito?

Kung hindi po n’yo kayang magbigay linaw sa isyu, dapat lang siguro ninyong pagpaliwanagin sina Senior Supt. Nobleza ng Muntinlupa, Senior Supt. Asis ng Taguig, Senior Supt. Ariel Andrade, Parañaque police chief; at Supt. Nelson Bondoc, acting chief of police ng Pateros.

Huwag ninyo na pong hintayin pa na ma-lifestyle check kayo.

***

Bukod sa South ng Metro Manila, si Tony, isang alamat na sa ilegal na jueteng, ay may malakas na kubransa rin sa Nepa-Q Mart sa Cubao, Quezon City. Ito raw ay pinamamahalaan ng kung tawagin ay “Tepang”, isang retiradong pulis na may may-ari rin ng ilang beerhouse sa nasabing distrito ng siyudad.

Dapat lang sigurong usisain din ni Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) director, kung ano ang ginagawa ng mga tauhan niya sa Cubao police station upang matuldukan ang mga operasyon nina Tony Santos at Tepang.

Ayon sa mga espiya, nananaig pa rin ang pa-jueteng sa Quezon City na pag-aari ng isang Tony Santos, ang alamat ng ganitong ilegal na negosyo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …