Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakulangan ng pagmamahal sa bayan

00 PALABAN Gerry

NAKALULULA na ang mga balitang lumalabas na kung inyong iisipin ay nakasisira na ng kolektibong adhikain para sa ikabubuti ng ating bansa.

Sa reaksyong ito ng karamihan, nakikita ko na buhay pa rin sa puso natin ang pagmamahal at dedikasyon sa ating bayan. Sa wikang English ito ang tinatawag napatriotism.

***

Ang patriotism na tinutukoy ko ay hindi ‘yung extreme na halos kinokontra na natin ang ibang bansa.

Ang patriotism na tama para sa akin ay ‘yung ayon sa sinabi ni Adlai Stevenson, isang tanyag na lider sa Amerika: What do I mean by patriotism in the context of our times? … a sense of national responsibility … a patriotism which is not short, frenzied outbursts of emotion, but the tranquil and steady dedication of a lifetime.

***

Sa kaibuturan ng statement ni Stevenson ay responsibilidad sa ating bayan. Hindi ‘yung makikita lamang sa mga rally kundi ‘yung patuloy na dedikasyon alinsunod sa adhikain ng lahat na manatili ang katiwasayan at kabutihan sa lipunan.

***

Bakit nga ba nagkaganito ang ating lipunan? Marami sa ating kapwa Pilipino ang halos walang gana na tuparin ang kanilang tungkulin sa bansa. Merong tila ayaw magbayad ng buwis. May mga pasaway. Meron naman halos prayoridad pa nila ang ibang bansa. Worst na nga siguro ‘yung mga alagad ng ating gobyerno na sila rin ang gumagawa ng krimen kontra sa sinumpaan nilang trabaho.

Sa tingin ko ang lahat ay dahil mahina ang pundasyon ng ating patriotism.

***

Kasi kapag solid ang pundasyon sa aspetong ito hindi na sarili ang iyong iisipin kundi kung ano ang ikabubuti ng nakararami.

Hindi naman tayo nagkulang sa mga kababayang ganyan. Mas marami pa rin ang naninindigan at simple lang at patuloy na dedikado para sa ikabubuti ng nakararami.

***

Panahon na nga siguro para ibalik natin ang ROTC. Dahil isa ito sa mga daan kung saan pinatatatag ang pagkakaintindi ng ating mga kabataan sa salitang patriotism.

Simula nang gawing optional ang ROTC, sabay sa pagyabong ng teknolohiya, kapuna-punang humina ang paninindigan ng ating kabataan kung pag-ibig sa sariling bayan ang pag-uusapan.

At saan pa ba patutungo ang ating bansa kung ang mga sunod na henerasyon ay marupok ang kanilang patriotic foundation?

Mas lalong nakalululang isipin kung ang nakikita ng kabataan ngayon ay nakatatandang walang sense of patriotism.

Gerry Zamudio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …