Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, nag-propose na rin kay Isabel

092614 John Prats Isabel Oli

00 SHOWBIZ ms mTAON talaga ngayon ng pagpo-propose. Pagkatapos alukin ng kasal ni Dingdong Dantes si Marian Rivera at ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista, nag-propose na rin noong Miyerkoles ng gabi si John Prats kay Isabel Oli.

Magka-birthday sina Heart at John (February 14).

Ayon sa balita, isinagawa ni John ang pagpo-propose matapos ang flash mob sa Eastwood Mall sa Quezon City.

Habang nasa Eastwood sina Isabel at kapatid ni John na si Camille, lumabas ang isang malaking screen na may mensahe ang 30 taong gulang na aktor. Pagkatapos ng message, isang fireworks ang sumunod na lumabas.

Bago ito’y isang night out ang paanyaya ni Camille sa 33 taong gulang na aktres kaya ito sumama. At nang dumating sila sa may plaza sa Eastwood, naglabasan din ang napakaraming tao. Roon na lumabas si John para pangunahan ang flash mob.

Lumuhod si John sa harapan ni Isabel at hiningi ang kamay nito at sumagot naman si Isabel ng “yes”.

ni Maricris Valdes Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …