Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Desisyon ng korte, dapat hintayin sa kaso ni Vhong

092414 vhong deniece cedric razSINABI ng abogado ni Vhong Navarro na aapela sila sa naging desisyon ng korte na payagang makapag-piyansa sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at Zimmer Raz, na idinemanda ng komedyante ng serious illegal detention, isang krimen na walang itinakdang piyansa ang batas. Pero sinabi kasi ng korte na hindi sapat ang ebidensiya para mapatunayan ng prosecution na iyon nga ay isang kaso ng serious illegal detention, kasi nga matapos ang bugbugan, dinala pa nila si Vhong sa presinto ng pulisya, bago nila pinayagang umuwi.

Bagamat malubha nga ang kaso, dahil sa pagkakaharap sa kanya sa pulisya at tapos ay pinayagan siyang umuwi, mukhang hindi nga serious illegal detention iyon, sabi ng korte. Pero iyan ay iaapela nga ng kampo ni Vhong. Maaari silang magsumite ng karagdagang ebidensiya para patunayan ang kanilang akusasyon. Maaari rin namang bawiin ng korte ang kanilang naging desisyon kung lalabas ngang may iba pang katunayan na makapagpapatunay sa bintang.

Apat na buwan ding nakulong si Deniece, at halos ganoon din katagal sa kulungan ang kanyang mga co-accused. Ngayon pinatawan sila ng piyansang P500,000. Mabigat ang piyansa pero siguro kaya naman iyon ng kanilang pamilya, at saka mas mabuti na iyon kaysa nakakulong sila habang dinidinig ang kasong iyan. Hindi mo naman masasabing magiging mabilis ang desisyon sa kasong iyan. Maaaring abutin ng taon din.

Kung hindi sila binigyan ng piyansa, mananatili sila sa kulungan habang dinidinig ang kaso, dahil sa tingin nga ng batas, kung talagang mabigat ang kaso maibabawas naman ang pananatili nila sa kulungan doon sa panahon ng pagkakabilanggo na ipapataw sa kanila kung sakali. Pero kung may duda ang hukuman sa isang mabigat na kaso, maaari ngang payagan silang makapag-piyansa.

Tiyak iyan, hindi lamang si Vhong. Pati ang kanyang fans ay aalma sa desisyong iyan ng korte, pero walang may ibang kapangyarihan sa kasong iyan kundi ang korte nga lang. Kailangan hintayin natin kung ano man ang magiging desisyon ng hukuman sa kasong iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …