Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ibabaw ng Lahat… Pag-ibig (Part 14)

00 ibabaw pagibig

NAWALAN NANG GANA SA BUHAY SI LEO AT NALULONG SA ALAK DAHIL KAY GIA

“Sige na, Leo… Umuwi ka na,”anitong basag ang tinig.

Sa pakiwari ng binata ay dapat lang niyang pagbigyan ang pakiusap ng nililigawan. Baka kasi siya pa ang masisi kapag umakting-akting na ang Mommy Minda niya at magkunwaring inaatake ng sakit sa puso.

“I love you… Maniwala ka…” bulong ni Leo kay Gia sa makalabas ng pintuan.

Noon niya nasulyapan ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata ng dalaga. Pero agad naman itong hinila sa kamay ng ina sa pagpasok sa loob ng kabahayan. Sa banayad na paglayo roon ay narinig niya ang pagsesermon ni Mommy Minda sa masunuring anak: “Hindi na uso ngayon ‘yang pag-ibig pag-ibig na ‘yan… Tingnan mo’ng nangyari sa akin, nang dahil sa letseng pag-ibig ko sa iresponsable mong ama ay nagkaletse-letse tuloy ang buhay ko!”

Paggising ni Leo isang umaga ay nasa in-box na ng kanyang cellphone ang text message ni Angie. Sa natanggap na mensahe ay daig pa niya ang nakabalita na gugunawin na ang mundo sa araw na iyon. “Ngayon na ang kasal nina Gia at Andrew. Abay nila ako. I-wish mo na lang na maging maligaya sana ang kaibigan ko…”

Ginamot niya ang sugatang damdamin sa pamamagitan ng alak. Noong una ay pampa-manhid lamang iyon sa masidhing kirot na namamahay sa kanyang dibdib. Ginawa niyang pampakalma at pampatulog ang sipa niyon. Pero sa katagalan ay nauwi na sa pagkalulong ang kanyang pag-inom-inom. Nawalan siya ng ganang magpinta. Ang lahat ng bagay sa ganang kanya ay wala nang halaga at kahulugan pa. Namayat siya. Naging gusgusin. At upang may maitustos sa mga paglalasing at maipalalaman sa tiyan ay pasundot-sundot siyang gumagawa ng signage ng mga malilit na tindahan sa paligid-ligid ng lugar na inuuwian. Paminsan-minsan ay paisa-isa niyang naibebenta ang dati nang mga obra noong inspirado pa siya sa pagpipinta.

“Gud am, Leo. Angie i2. Kol aq sa u, ha?” ang text message na nabasa ng binatang pintor sa kanyang cellphone.

Nasa phonebook pa niya ang pangalan at numero ng cp ng empleyadang kaibigan ni Gia.

“Ok,” ang ini-reply niya.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …