Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-23 labas)

00 duwende_logo

UMUWI SI KURIKIT SA PAMILYANG KUMUPKOP SA KANYA PERO MALUNGKOT ANG SITWASYON

Dinatnan niyang tamilmil na kumakain ng pananghalian ang magkakapatid na Maurice, Abet at Bitoy.

“Kain na, Kuya Kit,” alok ng dalagita sa binatang duwende.

“Saluhan mo kami, Kuya…” anyaya naman ng binatilyo.

Naupo si Kurikit sa silyang malapit sa kinauupuan ng batang si Bitoy. Umi-nom lang siya ng isang basong tubig.

“Bakit malungkot yata si Bunso,” pansin niya nang bahagya niyang kurutin ang pisngi ni Bitoy.

“Kasi, kagabi pa hindi umuuwi sina nanay at tatay, Kuya Kit,”

“’Asan sina Nanay Rosing at Tatay Nato?” naitanong niya.

“W-wala kaming alam, e…” ang sa-got ni Maurice.

“Si Tatay, kundi ‘yun nakikipag-inuman sa kanyang mga kabarkada, e malamang nag-goodtime sa labas,” dugtong agad ni Abet.

“At si Nanay, kundi nagto-tong-its ay tiyak na nasa madyungan,” dagdag ni Maurice.

“M-marunong nang magsugal si Nanay Rosing?” ani Kurikit na halos ‘di makapaniwala.

“Hindi lang si Nanay Rosing ang nagsusugal… Pati si Tatay Nato ay gumon na rin sa pagka-casino,” si Abet, nakalatay sa mukha ang pamamanglaw.

“E, teka… Sino ngayon ang tumatao sa tindahan?” naitanong ng binatang duwende sa magkapatid na Maurice at Abet.

“Wala nang kalaman-laman ang tindahan natin… Bangkarote na kaya sarado na nu’n pang isang linggo,” ang pagbabalita ni Maurice sa binatang duwende.

Napapalatak si Kurikit sa pangangamot ng batok.

“Ang masaklap pa, Kuya Kit, pag-uwi nina nanay at tatay na talunan sa sugal ay parehong mainit ang kanilang ulo. Maya’t maya tuloy ay nag-aaway silang dalawa,” pagkakagat-labi ng dalagita.

Noong bagong salta ang binatang duwende sa ibabaw ng lupa ay nasaksihan niya ang magandang samahan ng buong mag-anak ng mag-asawang Aling Rosing at Mang Nato. Ang bawa’t isa ay masikap sa paghahanapbuhay. Naglalako ng balut sa gabi ang ama ng pamilya. Tumatanggap ng labada ang ina. Ang dalagita at binatilyong anak ay lubugan-sikatan ng araw sa panga-ngalakal.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …