KASAMA ang mga referees sa nabigyan ng suspension sa rambolang naganap sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at Mapua noong Lunes sa 90th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Binatikos ang mga referee sa twitter at facebook dahil sa kanilang kapabayaan kaya nagkaroon ng suntukan sa loob ng basketball court.
Sinuspinde at pinagmulta ni League Commissioner Bai Cristobal sina referees Molly de Luna, Menard Ballecer at Cholo Caoile.
Ayon kay NCAA Management Committee chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University binigyan niya ng kaukulang parusa na naayon sa league rules ang mga sumali sa free-for-all.
“The Mancom condemns in the highest level the unfortunate incident that occured in the Mapua-EAC game.” saad ni Supan sa release. “Hooliganism has no place in an established league like the NCAA.”
Umabot sa17 players ang pinatawan ng parusa isa na rito ay si John Tayongtong ng EAC na may pinakamahabang suspensyon dahil sa paniniko at pananapak kay Mapua guard CJ Isit.
Pinarusahan ng five-game suspension si point guard Tayongtong habang ang mga kakamping sina Jan Jamon, Ariel Aguilar at Jack Arquero ay may three-game suspension.
Two-game suspension naman ang pinataw kina John Santos, Manelle Quilanita at Edsel Saludo habang one-game naman kay Faustine Pascual.
Absuwelto naman sina Generals Jerald Serrano, Christ Mejos, Ai Indin at Jozhua General.
Siyam na players naman ang pinarusahan sa Cardinals at si Leo Gabo ang nangunguna na binigyan ng four-game suspension sinundan siya ni Jomari Tubiano na may three-game suspension.
Dalawang game na suspindido naman sina Justin Serrano, James Galoso, Exeqiel Biteng at Andrew estrella habang isang game ang binigay kay Jerome Canaynay, Ronnel Villasenor at Darrel Magsigay.
Nakaligtas naman sina Jessie Saitanan, CJ Isit, Joseph Eriobu at Jeson Cantos
Nag-init ang ulo ng mga Cardinals sa huling 28.5 segundo sa fourth period ng sikuin ni Tayongtong si Isit na hindi tinawagan ng foul ng mga referees kaya naman gumanti ang kakampi ng huli na si Leo Gabo.
Paglapit ni Isit kay Toyongtong para komprontahin ay sinapak naman siya ng huli kaya nagkaroon na ng rombolan sa loob ng basketball court.
Paiiralin ang suspension sa susunod na game nila. (ARABELA PRINCESS DAWA)