Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

For security purposes lang

00 SPORTS SHOCKED

MATAPOS na mapapimra ng panibagong kontrata si Paul Lee ay hindi na naging ganoon kahalaga para sa Rain or Shine si Kevin Alas.

For security purposes lang talaga ang nangyari kay Alas nang ito ang kunin ng Elasto Painters bilang second pick overall sa 2014 Rookei Draft oong Agosto 21.

Noong kasing mga panahong iyon ay walang katiyakan na sa kanila lalaro si Lee. Ito’y sa kabila ng pangyayaring maximum three-year deal na ang ibinibigay ng Rain or Shine kay Lee. At kahit saan siya pumunta ay maximum pa rin naman ang makukuha niya. Wala nang tataas pa doon.

Well, nagkasundo na nga sina Lee at   pamunuan ng Rain or Shine at nalagdaan na ang panibagong kontrata.

So, anong mangyayari kay Alas na pumirma rin ng maximum three-year contract para sa isang rookie?

Well, puwede siyang manatili sa poder ng Elasto Painters pero hindi siya magagamit nang husto. Kumbaga’y second fiddle siya kay Lee na tiyak na mabibigyan ng monster minutes.

So, masasayang lang ang talent ni Alas kung mananatili siya sa Rain Or Shine.

Kaya naman sa ngayon ay makikipag-usap ang Elasto Painters sa ibang koponan hinggil sa isang trade at iniaalok nga si Alas.

Ang siste’y dalawang future first round picks yata ang hinihinging kapalit ng Elasto Painters at hindi naman yata makatwiran iyon.

Maraming nais kumuha kay Alas dahil sa alam nila ang kakayahan nito. Nandiyan ang NLEX, Talk N Text at San Miguel group. Nandiyan din ang Globalport.

Tiyak na pakikinabangan si Alas.

Anu’t anuman, siguradong everybody happy naman sa pagtatapos ng anumang transaksyon, e.

Ang tanong lang ay kung bakit hindi kasali ang Alaska Milk sa naghahabol kay Kevin. E nandoon pa naman ang tatay niyang si Louie na assistant coach ni Alex Compton.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …