Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, kaya kayang tapatan o higitan ang KathNiel?

083014 kathniel jadine

00 SHOWBIZ ms mSA pagpatok ng mga pelikulang pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre, sinasabing sila ang makakalaban ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Marami nang napatunayan ang KathNiel. Mapa-movie o teleserye, talagang patok ito. Ang JaDine, pelikula pa lamang sila nasusubukan. Pero malapit na ring patunayan ng dalawa ang lakas nila sa nalalapit nilang teleserye sa ABS-CBN2, ang Wansapanataym, presents My App Boyfie

Samantala, sinabi kapwa nina James at Nadine na hindi raw nila sasayangin ang magandang takbo ng kanilang karera ngayon. Itinuturing kasi nilang pangalawang pagkakataon nila ito sa showbiz kaya naman iwas daw muna sa pakikipagrelasyon.

Ang usapang ito’y tatalakayin at mapapanood sa Tapatan Ni Tunying ngayong Huwebes (Setyembre 25).

“Naranasan kasi naming mawala ‘yong opportunity kasi medyo napabayaan, hindi sineryoso, at hindi nag-focus. Ayaw na namin maulit iyon,” ani Nadine.

Unang nabigyan si James ng break sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash, ngunit hindi niya itinuloy ang pag-arte dahil nalilito at hindi pa raw siya sigurado sa tatahakin niyang karera noon.

“Parang ‘di ako masyadong seryoso rati. Bata pa ako. Hindi ko pa noon alam kung ano talaga ang gusto kong gawin,” kuwento ni James.

Nagsimula naman magtanghal sa telebisyon at pelikula si Nadine noong siya’y bata pa, subalit aminado siyang marami siyang oportunidad na pinalampas.

“Nagkaroon ako ng teleserye at pagkatapos noon medyo natengga ako. Kasi noong time na gumagawa ako ng mga teleserye parang nilalaro ko lang. Hindi ko po siya masyadong sineryoso,” sabi pa ni Nadine.

Matapos ang kanilang pinagdaanan, umingay ang pangalan ng dalawa nang pumatok ang mga pelikulang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead. Kamakailan lamang ay pumirma sila ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Nang tanungin kung kaya bang pantayan ng JaDine ang kasikatan ng loveteam nina Kathryn at Daniel o mas kilala sa tawag na KathNiel, sagot ni Nadine, “Siguro po pero matagal pa. Marami pa kaming kailangang pagdaanan.”

Huwag palampasin ang Tapatan ni Tunying ngayong Huwebes (Setyembre 25), 4:30 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter at Instagram, o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

ni Maricris Valdes Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …