Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Proyekto ng PLDT Gabay Guro, kahanga-hanga

092514 pldt gabay guro

00 SHOWBIZ ms mMABUTI na lamang at may private entity na nagbibigay-halaga sa pagmamalasakit ng mga guro sa bawat indibidwal. Ang tinutukoy namin ay ang Gabay Guro ng PLDT na sa tuwina’y mayroong proyekto para sa mga guro.

Tunay na kahanga-hanga ang PLDT at naisip nila ang proyektong magbibigay-tulong sa mga guro. Katulong nila rito ang mga sponsor na tulad ng AutoItalia para sa brand new APE-3 wing van, Honda Phils. Inc. para sa panghanap-buhay tricycle, Vista Land para sa Camella house and lot, at PR Saving Bank para sa motorcycles.

At sa Oktubre 5, isang biggest grand gathering ang magaganap na proyektong muli ng PLDT Gabay Guro. Rito’y magkakaroon ng pagkakataong manalo ang papalaring guro ng brand new house and lot at sasakyan. Bukod dito, ito rin ang pagsasama-sama ng naglalakihang artista para magbigay-saya sa mga guro na magaganap sa Mall of Asia Arena para sa annual culminating event.

Ayon kay PLDT Gabay Guro Chairman Chaye Cabal-Revilla, naglalaking papremyo ang ipamamahagi nila sa naturang event mula sa kanilang mga sponsor. May iba pang prizes ang naghihintay para sa mga guro tulad ng livelihood program packages at cash gifts.

Dadalo naman sa pagtitipon ang Asia’s songbird na si Regine Velasquez na nag-record ng Gabay Guro tribute song Believing In Me, kasama rin sina Pops Fernandez, Derek Ramsay, Alice Dixon, at ang child superstar na si Ryzza Mae Dizon.

Ang Gabay Guro ay ang education arm ng PLDT-Smart Foundation at pinatatakbo ng mga volunteer na kinabibilangan ng mga executive mula sa PLDT Managers Club Inc. (PLDT MCI). Ang core program ay idinisenyo para sa scholarships, trainings, housing and educational facilities, livelihood broadbanding at computerization at teachers tribute.

Nagsimula ang tribute ngayong taon sa pamamagitan ng charity auction na ginawa kamakailan sa Manila Polo Club in partnership JCI Ortigas at TOYM Foundation. Hindi rin lang ito nagaganap at isinasagawa sa ‘Pinas. Noong Hunyo, isang teacher’s tribute ang ginawa sa Hong Kong, at sa Disyembre, magsasagawa naman ng training sa Sabah at teacher’s tribute muli sa Kuala Lumpur.

Sa buong taon, nagsasagawa ng teacher’s trining at computer donations sa buong bansa. Ngayong buwan, nakatakdang magsagawa ng training sa Aklan at Capiz, Leyte at sa Nobyembre, isang teacher’s training ang gagawin sa Cavite.

Tunay na kahanga-hanga ang proyektong ito ng PLDT na sumasaludo at nagbibigay importansiya sa kahalagahan ng mga guro. Hangad namin na sana’y magkaroon din ng ganitong proyekto ang gobyerno.

ni Maricris Valdes Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …