Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovescene nina Bea at Paulo, may part two? (Dahil humataw sa ratings at trending pa…)

091614 bea alonzo paulo avelino

00 fact sheet reggeeNAKASALUBONG namin si Direk Jerome Pobocan sa hallway ng ELJ Building noong Linggo at sabay tanong kung sino ang nagdirehe ng love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na napanood noong Biyernes sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Sinabi niyang siya ang nagdirehe kaya binati namin ang nasabing direktor dahil sa napakagandang kuha at nagpasalamat naman kaagad.

Humirit kami kung may part two ang lovescene nina Bea at Paulo dahil nabitin ang netizens.

“Ha, ha, ha tingnan po natin, siguro po magkakaroon,” masayang sabi naman ni direk Jerome.

Hindi ba nahirapang kumbinsihin ni direk Jerome si Bea na gawin ang love scene?

“Actually, madaling kausap si Bea, she’s very cooperative kasi maraming suggestions, tinanong namin kung okay lang na gawin niya ‘yung ganito o ganyan, sabi niya, ‘ay nagawa na namin ni Lloydie (John Lloyd Cruz) ‘yan direk’ so para maiba naman, sinabi nga namin itong nakapatong siya kay Paulo at sabi nga niya, ‘okay ‘yan direk, hindi ko pa nagagawa ‘yan’ so sakto, ganoon nga ang ipinagawa namin.

“Sobrang saya kasi okay sina Bea at Paulo, walang arte, magaling, isang take lang with different angles,” pagkukuwento ni direk Jerome.

At bago kami nagpaalam kay direk Jerome ay inulit uli naming dapat may part two, “ha, ha tingnan po natin,” say niya.

In fairness, inabangan talaga ang nasabing love scene nina Bea at Paulo at humataw din sa national TV rating na 16.6%, kompara sa nakuha ng pagtatapos ng katapat nitong programa sa GMA na Ang Dalawang Mrs. Real na 15.5% lang.

Bukod sa national TV ratings, humataw din ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBPAKAlab at worldwide trending topic naman si Paulo dahil sa buhos ng tweets kaugnay ng kontrobersiyal na episode.

Tiyak na mas kapananabikan ng TV viewers ang mga mas umiinit na eksena ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle. Handa na bang harapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya?

Samantala, ngayong Sabado (Setyembre 27) na lilipad ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon stars na sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Peñafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, 4:00 p.m..

Mula sa Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kuwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Trina Dayrit at Pobocan.

Huwag palampasin ang mga mas kaabang-abang na tagpo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …