Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinastiya sa Aliaga, Nueva Ecija, bakit suportado ni Brillantes?

00 Abot Sipat ArielKUNG merong dapat unang pumalag sa dinastiya o pamamayani ng isang pamilya sa liderato ng isang lalawigan, lungsod o bayan, dapat na ang No. 1 ay si Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Pero ngayon, gigil na gigil ang mga mamamayan ng Aliaga, Nueva Ecija sa ulat na pakikialam ni Brillantes para hindi makaupo ang tunay na nanalong alkalde ng kanilang bayan na si Reynaldo Ordanes gayong iniutos ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 30 ang writ of execution sa pagwawagi nito sa halalan noong Mayo 13, 2013.

Nagwagi si Ordanes sa kanyang protesta laban kay dating Mayor Elizabeth Vargas nang 11 boto kaya nag-isyu si Judge Virgilio Caballero ng Writ of Execution Pending Appeal pero ayaw umalis ni Vargas sa puwesto. May tsismis nga na si Brillantes ang nagdikta na magbarikada ang mga tagasuporta ni Vargas sa pangakong ‘lalakarin’ niya na mabaligtad ang desisyon ng korte. At nagaganp ito kahit may pahayag si Aliaga Municipal Administrator Emmanuel San Juan na tatalima sila sa kautusan ng hukuman.

Kilalang-kilala si Brillantes sa Aliaga dahil naging abogado siya ni Beth at ng asawa na dati ring alkalde na si Marcelo Vargas mula 2001 hanggang 2008 noong wala pa siya sa Comelec. Pinapaharap ngayon ni Brillantes sa kaso ni Vargas ang isa pang sobrang lapit sa kanya na si Atty. Kim Co ng Office of the Comelec chairman.

Mas maraming malalaking kaso na dapat harapin ang Comelec pero waring inuuna ni Brillantes ang apela ni Beth para manatiling alkalde ng Aliaga. Hindi niya alintana ang banta ng iba’t ibang sektor sa Nueva Ecija tulad ng isang grupo ng mga abogado na bukod sa isusumbong sa Office of Ombudsman at Supreme Court ay ipapa-disbar nila ang Comelec chairman dahil maraming handang tumestigo na matagal na siyang abogado ng mga Vargas.

Sana naman, sa halip mag-abogado kay Beth, unang ipaliwanag si Brillantes ang pagbili ng Comelec ng reclamation lot sa Pasay City na nagkakahalagang mahigit P300 milyon nang walang konsultasyon sa ibang komisyoner ng ahensiya. Ang tanong nga ng taga-Aliaga, bakit hindi siya magkandaugaga sa pag-ayuda kay Beth Vargas. Ano ang matinding dahilan? Tuwid na daan? Baka naman biglang liko? Tsk, tsk, tsk.

Ariel Dim Borlongan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …