Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babae nagpatiwakal sa koral ng mga buwaya

092414 crocodile buwaya

DAHIL sa matinding kalungkutan, nagpatiwakal ang isang 65-anyos babae sa Thailand sa pamamagitan ng paglundag sa loob ng koral ng mga buwaya sa isang crocodile farm sa labas lamang ng lungsod ng Bangkok.

Sa inisyal na ulat ng lokal na pulisya, naganap ang insidente ilang oras lang makaraang magbukas ang nasabing farm, na bukod sa pangangalaga sa mga buwaya ay atraksyon rin sa mga turista na bumibisita para pakainin ang mga alaga rito habang naglalakad sa isang walkway sa ibabaw.

Lumundag umano ang babae mula sa isang resting point ng walkway sa gitna ng koral—na naglalaman ng daan-daang mga adult crocodile, pahayag ni Preecha Lam-nui ng Samut Prakan police sa AFP.

“Ayon sa kapatid niya ay nakaranas daw ang biktima ng matinding stress at depresyon,” ani Preecha.

Ang crocodile farm ay isang oras ang layo mula sa Bangkok.

Kadalasan ay hindi naipapatupad nang husto ang safety rules sa mga tourist attraction, na kabilang ang ilang tiger at crocodile farm.

Ang mga bakod ng Samut Prakan farm fences ay ilang talampakan lamang ang taas para hayaan ang mga dumadalaw dito—kabilang ang mga kabataan—na pakainin ang mga buwaya.

Nagtatanghal din ang mga trainer kasama ang mga buwaya, na humihiga sa ibabaw nito o kaya’y isinusubo ang kanilang ulo sa loob ng kanilang bunganga.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …