Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, umamin sa audio-video controversy; nakiusap na ‘wag idamay sina Sam at Jasmine

092414 daniel padilla  jasmine curtis sam concepcion

ni Alex Brosas

NAPABILIB kami ni Daniel Padilla nang aminin niyang siya nga ang nasa controversial audio-video recording na kumalat sa social media recently.

Ayon kay Daniel,  isang kaibigan niya ang kumuha  ng audio-video.

“Wala, eh. Ganon talaga eh. We’re not really that close pero still a friend. Hndi ko naman alam…Ewan ko. Nangyayari talaga. Okay na ‘yon,” say ng Teen King sa isang recent interview.

Nakuha pang magpasalamat ni  Daniel dahil mayroon siyang natutuhan sa kontrobesiyang iyon.

“Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganitong problema. Nagpapasalamat ako dahil natututo ka  sa mga pagkakamali.”

Todo-pasalamat din ang binata sa KathNiel fans na walang sawang sumusuporta at nagtatanggol sa kanya.

“Sobrang thankful (ako) na ang dami kong nakita na totoong tao sa akin, lahat ng mga sumuporta sa akin talagang thankful (ako).”

Ang hiling lang ni Daniel ay ‘wag nang idamay pa ang ibang tao sa issue. Nadamay kasi ang couple na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis Smith sa kontrobersiya.

“May request lang pala ako,’yung ibang tao, ‘yung ibang nasangkot, ‘wag na nating idamay dahil ako mismo ang nahihiya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …