Friday , December 27 2024

11th Golden Screen Awards finalists inihayag na!

092414 enpress

INILABAS na ang listahan ng finalists sa 11th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress). Ang awards night ay na gaganapin sa October 4 sa Teatrino na inaasahan ang pagdalo ng mga nominadong mga actor at actress.

Sa mahigit na 100 movies na ipinalabas last year, namili ang Golden Screen Awards ng short list of 40 movies na kanilang nirebyu sa loob ng dalawang buwan.

Sa resolution ng Awards Chairman Lito Manago, napagkasunduan ng mga voting members na i-limit ang number of nominees sa lima, depende sa rating na natanggap nila. Kung may tabla sa ikalimang pwesto, magiging anim ang nominado.

Nais magpasalamat ng Enpress kay Papa Ahwel Paz sa pagpapaunlak niya na magamit ng voting members ng Golden Screen Awards ang Dong Juan (located sa Mother Ignacia Street, Quezon City) bilang venue ng nomination at botohan ng final winners noong Linggo, September 14.

Among the entries ang may pinakamaraming nominasyon ay ang Transit, ang debut film ni Hannah Espia, which got 12 nominations including Best Picture and Best Direction, sinundan ito ng drama na Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap with 11, Sonata with 9 nominations, tabla naman ang Ekstra at On The Job with 7 nominations at ang highly acclaimed movie ni Lav Diaz na Norte, Hangganan ng Kasaysayan ay may apat na nominations, kabilang ang Best Picture at Best Direction.

Maglalaban sa Best Actress –Drama sina Cherie Gil (Sonata), Irma Adlawan(Transit), Lorna Tolentino (Burgos), Lovi Poe (Sana Dati), Rustica Carpio(Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap), at Vilma Santos (Ekstra).

Contenders naman sa Best Actor – Drama sina Arnold Reyes (Tag-araw ni Twinkle), Dingdong Dantes (Dance of the Steel Bars), Jhong Hilario (Badil),Joel Torre (On The Job), at ang yumaong actor na si Mark Gil (A PhilippinoStory).

Sa Best Performance by An Actress (Comedy or Musical) ay pasok sinaAngel Locsin at Bea Alonzo (Four Sisters and A Wedding), Eugene Domingo (Instant Mommy), Sarah Geronimo (It Takes a Man and Woman), atTuesday Vargas (Ang Pabo Man ay Turkey Rin).

Battling it out sa Best Performance by an Actor (Comedy or Musical) Enchong Dee (Four Sisters and A Wedding), John Lloyd Cruz (It Takes A Man and A Woman),Rafael Rossel (Gaydar), at Tom Rodriguez (Gaydar).

About hataw tabloid

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *