Friday , December 27 2024

Chynna Ortaleza, pambansang white lady ng Pilipinas

092414 Chynna Ortaleza

ni Nonie V. Nicasio

BINIRO namin si Chynna Ortaleza kung okay lang ba sa kanyang mabansagan bilang Pambansang White Lady ng Pilipinas dahil ito ang papel niya sa Nora Aunor starrer na pelikulang Dementia na showing na ngayon.

“First role ko na multo, pambansang white lady na? Gusto ko iyan!” nakatawang sagot ni Chynna. “Baka gawin ko pa talagang career, kasi, puwede akong maglakad sa Balete Drive, hindi ba? Baka maging tourist attraction pa, why not?” nakatawang pahayag pa niya.

Ano’ng masasabi mo na very effective kang multo? “Maganda iyon, kasi, matagal ko na rin dream na gumanap sa ganitong character e. Tapos, parang bigla na lang siyang nalaglag sa lap ko. So, sobrang malaking blessing ito para sa akin.”

Sinabi pa ni Chynna na siya mismo ay naniniwala sa multo, dahil ang kanyang ina raw ay mayroong third eye. “Oo, naniniwala ako sa multo. Kasi my Mom has a third eye. So, sanay ako na sinasabi niya sa akin openly na, ‘Hay naku, mayroong nasa likod mo.’ Nakaka-sense kasi siya talaga e.

“Ako, takot po ako, pero hindi ako nakakakita. Hindi ako ka-tulad ng mama ko na nakakakita ng spirit at nalalapitan ng spirit.” Ikinuwento rin niya ang insidente sa shooting ng Dementia na may nakakatakot na insidente siyang naranasan. “Nagulat po ako sa picture (na lumabas sa kanyang cellphone), ipinakita ko na kaagad iyon sa mama ko.

“Noong una, excited pa ako kasi feeling ko, ‘Ay, ia-upload ko sa Instagram para makita nila iyong look test.’ Kasi feeling ko, kamukha ko si Lady Gaga. Tapos nang tinitignan ko iyong picture ko, sabi ko, ‘Ano ba ito, reflection ko ba ito?’

“Tapos noong nakita ko na iba ang itsura ko, pinatay ko na lang iyong telepono ko at natulog na lang ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi, baka nag-i-imagine ka lang.’

“Hanggang sa noong natapos na namin iyong filming, doon si-nabi sa akin ni Sir Perci iyong tungkol sa lumabas na reflection ko na kuha sa aking cellphone, ‘Kaya ko hindi pinapansin, kasi baka hindi ko matapos iyong pelikula. Baka kapag pinaniwalaan ko, baka kung ano-ano na ang makita ko while filming.’”

“Mayroon po talagang nagparamdam sa amin, actually kaming dalawa ni Sir Perci, pareho ang experience namin e. Kasi, doon sa same place, sa Sabtang island, doon nawawalan ng electricity e, every twelve. Same place kami ng tinulugan e, pareho kaming na-bother e,” saad pa ng aktres.

Graded-A ng Cinema Evaluation Board
DEMENTIA, NAIIBANG HORROR MOVIE!

MARAMI ang pumuri kay Direk Perci Intalan matapos ang gala premier ng pelikula niyang Dementia na tinatampukan ni Ms. Nora Aunor. After ng screening ng debut movie ni Direk Perci sa Trinoma Mall last Sept. 21, pinuri ng marami ang naturang pelikula.

Kami personally, nagustuhan ko ang cinematography, musical scoring, editing at siyempre, ang direction dito ni Direk Perci.

Ibang klaseng horror movie ang Dementia, dahil hindi lang katatakutan ang makikita rito, kundi pati ang galing ng mga artista sa pangunguna ni Ms. Aunor. Nagpakitang gilas din dito si Jasmine Curtis, Chynna Ortaleza, at iba pa.

Ayon kay Direk Perci, hindi lang katatakutan ang makikita sa Dementia kundi mayroon pang mas malalim na elementong mapapanood dito. “May moments talagang nakakatakot, pero hindi iyon inilagay para lang manakot. May development ang kuwento. Magugulat kayo sa tutumbukin nito,” saad ni Direk Perci.

Ang Dementia ba ang horror movie na kapag napanood mo, parang naiilang kang mag -isa o lagi kang titingin sa paligid mo lalo na kung madilim?

“Kung ma-achieve ng Dementia na tumatakbo pa rin ang imahinasyon mo kahit pag-uwi mo, then nagtagumpay kami. Lahat ng magagandang horror films na napanood ko, ganoon ang nagagawa sa akin. Hindi mo siya makalimutan. Dinadagdagan pa nga siya ng imahinasyon mo habang tumatagal!” nakatawang saad ng dating TV5 executive.

Ano’ng na-feel niya dahil Graded-A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Demementia? “Ipinagdarasal ko na sana magustuhan ng mga tao ang Dementia. Hindi lang naman ako kundi ang bu-ong team namin, talagang pinaganda nang husto ang pelikula. Kaya sobrang saya ko noong nalaman ko na nagustuhan ng CEB. May mga natanggap pa kaming messages afterwards na gandang-ganda raw ang reviewers.”

Bukod kay Ms. Aunor, Jasmine, at Chynna , tampok din rito sina Bing Loyzaga, Yul Servo, Althea Vega, Jeric Gonzales, Lou Veloso, at iba pa. Showing na ito ngayong araw, September 24.

About hataw tabloid

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *