Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ipinagtanggol si Lovi laban kay Direk Erik

091914 Erik Matti  lovi poe kris aquino

00 fact sheet reggeeIPINAGTANGGOL naman ni Kris Aquino ang kapwa aktres na si Lovi Poe sa ginawang pagmumura sa kanya ni Direk Erik Matti dahil sa hindi nito sinunod ang kontrata na gawin ang Tiktik, The Aswang Chronicles: Kubot na entry ngayong 2014 Metro Manila Film Festival.

Sa Aquino & Abunda Tonight episode noong Lunes ay napag-usapan nina Boy Abunda at Kris ang nagyari kina direk Erik at Lovi dahil nag-meeting daw ang PAMI (Professional Artists Managers, Inc) at kinondena si direk Erik sa ginawa kay Lovi na alaga naman ni Leo Dominguez na miyembro ng nasabing manager’s association.

Desmayado naman ang co-producer ni direk Erik na si Dondon Monteverde sa pagkampi ng PAMI kay Lovi at nagpadala ng official statement sa AA si Dondon para ipaliwanag ang side niya.

Ayon kay Kris ay naiintindihan niya ang sentiments nina direk Erik at Dondon bilang producers at direktor at may kontrata nga ang aktres, pero hindi sang-ayon ang Queen of All Media sa ginawa ng direktor kay Lovi.

“Sana lang hindi pinagmumura ni direk Erik si Lovi sa ganoong medium (Facebook) kasi hindi maganda kasi babae siya sana nag-usap na lang sila,” say ni Kris.

Si direk Erik ang direktor ni Kris sa pelikulang pagsasamahan nila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment at malapit na kaibigan din ng TV host/actress si Dondon na manager naman ng ex-husband niyang si James Yap at anak ni Mother Lily Monteverde.

Nakapag-shoot na si Kris ng Feng Shui 2 noong nakaraang Sabado (Setyembre 12) at puro opisina lang ang kinunan kaya maaga rin siyang nakauwi. Wala naman daw cut-off time ang TV host/actress nagkataon lang na kakaunti ang eksena niya.

“Inspired magtrabaho si Kris, kitang-kita sa mga mata at kilos niya,” sitsit sa amin ng nasa set ng Feng Shui 2 na idinidirehe ni Chito Rono.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …