Monday , December 23 2024

Nora Aunor, bilib kay Direk Perci Intalan

091914 jasmine nora direk perci

ni Nonie V. Nicasio

BILIB ang Superstar na si Nora Aunor kay Direk Perci Intalan, direktor niya sa horror movie’ng Dementia na mapapanood na sa September 24.

Pinuri niya si Direk Perci dahil mabusisi at pinag-aaralan daw nitong mabuti ang mga eksena. “Mahina ang iisang ‘magaling’ na salita na sabihin, napakagaling niya,” saad ng prem-yadong aktres sa baguhang direktor.

“Ito iyong ibig kong sabihin na pinag-aaralang mabuti at pinaghahandaan bago mag-shooting,” dagdag ni Ms. Aunor.

Nasabi ng Superstar na ang kaibahan daw ng Dementia sa ibang horror movies ay sinasadya ng ibang pelikula na manakot ng viewers. Pero sa Dementia, hindi raw ganoon ang sitwasyon dahil sadyang nakakatakot daw ang mga insidenteng mapapanod sa kanilang pelikula.

Ang Dementia ay isang psychological horror-drama film na umiikot ang istorya ni Mara Fabre (Nora), isang semi-retired teacher na nakararanas ng mga kakaibang pangyayari na hindi niya maipaliwanag dahil siya ay may karamdamang dementia.

Ang pelikulang Dementia ay may hawig sa mga experiences ni Direk Perci sa pag-aalaga sa kanyang nanay na mayroong Alzheimer’s disease. “The movie is close to home, because ang sister ko, psychiatrist; ‘yung brother-in-law ko, psychologist. So, ikinonsulta ko sa kanila ang magiging takbo ng kuwento at ‘yung lead cha-racter na may dementia.

“Kasi, it’s a complex cha-racter, isang babaeng mayroong dementia, its really pretty much parang Alzheimer’s, pero early stage. So sa case niya, nakakausap mo pa, pero marami na siyang nakakalimutan. Tapos ang problema, ang situation is, mayroon siyang mga nakikitang mga tao na walang ibang nakakakita.”

Sa aming panayam noon kay Direk Perci nabanggit niya ito: “Ano iyan, e, inspired by something na nangyayari rin, kasi ang Mom ko ay may Alzheimer’s na mayroon talaga ka- ming situation na ganoon. And common siya sa mga kaibigan ko na may Alzheimer’s ang parents. Iyong bigla na lang may sasabihin na ‘Sino iyan?’ tapos wala naman palang tao.

“So, iyon iyong question mark sa pelikula, dahil hindi mo alam kung nasa utak lang iyon ng karakter ni Nora o talagang may nagmumulto, kaya complicated.”

Samantala, ang Dementia ay kalahok sa competition category ng 35th Fantasporto International Film Festival sa Portugal. Buenamano pa lang ito at inaasahan na marami pang international filmfest na sasalihan ang pelikulang ito.

Bukod kay Ms. Aunor, ang Dementia ay tinatampukan din nina Jasmine Curtis, Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Ginzales, at iba pa.

Incidentally, congrats kay Direk Perci dahil Graded–A ng Cinema Evaluation Board ang Dementia.

PRINCE JEMUEL LUCIANO, KINIKILALA BILANG CLASSICAL OPERA SINGER

ISA na namang Filipino ang patuloy na nagtataas ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa kasikatang tinatamo nito sa larangan ng musika. Siya si Prince Jemuel Luciano na kinikilala bilang isang classical opera singer with a countertenor voice.

Isang dahilan kung bakit pinapalakpakan at laging standing ovation ang mga manonood ng kanyang mga concert sa ibat-ibang bansa ay sa dahilang hindi siya basta-basta lamang na classical tenor singer na gaya ng mga sikat at tanyag na mga banyagang singer. Si Prince ay may kakayahang mag-countertenor voice na bihirang makaya o kayanin ng kahit pa pinakamahusay na classical opera singer.

Hindi na bago sa showbiz si Prince Jemuel, dahil bukod sa pagiging classical opera singer niya ay nagpo-produce rin siya ng mga shows sa USA gaya sa Guam kung saan siya nakabase. Nais niyang matulungan din ang Pinoy artists na maging ang kinikita ng shows ay inilalaan ni Prince Jemuel sa mga batang Pinoy na mahihirap. Nasa bansa siya ngayon to do some shows, concert para na rin makatulong sa mga Pinoy na mahihirap. Sa October 1, may concert siya sa bayang tinubuan sa Biliran. Makakasama niya rito si Gerald Santos.

Ayon kay Charlie Lozo, maraming proyektong gagawin si Prince Jemuel habang nandito siya sa bansa.Napapakinggan ang kanyang dalawang awitin sa programa ni DJ Charlie Potatoe sa Bangis FM.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *