Thursday , December 26 2024

Tuloy ang PDAP

00 BANAT alvin

HINDI totoong nawala na ang pork barrel ng ating mga ulirang mambabatas dahil mas mukhang lumaki ito kompara noong nakalipas na taon.

Malinaw sa nadisklubre ni Cong. Antonio Tinio ng party list na Alliance of Concerned Teachers (ACT) na aabot sa P27 bilyon ang PDAP na itinago o inilagay sa anim (6) na ahensya ng pa-mahalaan.

Kitang-kita rin na lumaki ang alokasyon ng PDAP sa infrastructure na inilagay sa DPWH na umaabot sa P18.4 bilyon dahil dito na lang kumukuha ng mahilab-hilab na SOP ang ating mga mambabatas.

Kung dati-rati ay sa NGO naka-lagay ang bulto ng kanilang pondo mula sa pork barrel ay napilitan silang ilagay ito sa infra o pagawaing bayan dahil dito na lang sila nagkakaroon ng komisyon.

Sa kasalukuyan kasing kalakaran, ipinagbabawal na ang pagbibigay ng pondo sa mga NGOs dahil naging talamak rito ang kuropsyon na na-ging sanhi pa nga ng pagkakakulong ng tatlong senador na sina Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at si Bong Revilla.

Ang kakulangan naman sa P27 bilyon ay ini-lagay o itinago ng Palasyo siyempre sa paki-kipagsabwatan ng mga mambabatas sa mga ahensiyang kinabibilangan ng DSWD, CHED, DOLE, TESDA at DOH.

Medyo mabibiyaaan na ang taumbayan sa bagong kalakaran dahil kung noo’y wala tayong nakikitang pagawaing bayan buhat sa ating mga mambabatas lalo na ang mga senador ay mukhang mayroon na tayong masisilayan dahil tinanggal na ang paglalagay ng pondo sa mga bogus na NGO na ugat ng dambuhalang kurakutan sa lehislatura.

***

Hindi pa rin sarado si PNoy sa paghahangad ng ikalawang termino.

Kapansin-pansin kasi sa mga pahayag niya sa media ngayong nasa abroad siya ang lahat ng indikasyon na hangad niya pang mag-stay sa Malakanyang nang matagal-tagal.

Sinabi niya sa kanyang ‘mga boss’ na mag-stay siya sa Palasyo ay susundin niya ito at sisiw na lamang daw ang pag-aamyenda sa Saligang Batas ng bansa.

Sana buhay pa sina Ninoy at Cory dahil kung nandito pa ang dalawang matanda na kanyang mga magulang ay tiyak na nadagukan siya para magising na mali ang kanyang mga pinaggagawa.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *