Friday , May 3 2024

Madalas ang tubig

00 Panaginip

Gudmorning sir,

Madalas kng napaginipan ang tubig, minsan malinaw at minsan bumabaha? Ano ibig sabihin nito sir? Mahigit 10 times kna ito napaginipan? Huwag nyo n po i post cp # ko. Maraming slmat sir, Jhords

To Jhords,

Ang panaginip na tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay ang living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace. Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.

Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom o sinariling damdamin ay may malaking epekto sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Alamin kung saan o paano nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening. Maaaring may kaugnayan ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos. Ngunit, posible rin naman na ang panaginip mo sa baha ay may kaugnayan sa mga nararanasang pagbaha ngayon dito sa ating bansa bunsod ng panahon ng tag-ulan. Madalas mo itong nararanasan ngayon at nag-manifest lang ito sa iyong bungang-tulog.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *