Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet Poison Deli ni Ryza, dinudumog

091714 ryza cenon 2

00 fact sheet reggeeNAPADAAN kami sa FAB Bazaar sa Metro Tent, Metrowalk noong Sabado ng gabi at isa ang produkto ng Starstruck na si Ryza Cenon ang may booth doon na Sweet Poison Deli o SPD na ang paninda niya ay pagkain na talagang dinudumog mula umaga hanggang gabi.

Nagulat kami sa paninda ni Ryza dahil pawang sosyal kompara sa ibang booth na pawang Filipino dishes ang tinda.

Halos lahat ay best seller ang tinda ni Ryza tulad ng natikman naming to die for na lasagna na sobrang linamnam at pasta tuyo na talagang hindi tinipid sa ingredients, red sauce spaghetti at ang pesto na umaga palang daw ay ubos na. Mabenta rin ang sandwiches na hindi namin natikman.

Tinanong nga namin kung bakit Sweet Poison Deli ang napiling pangalan ni Ryza, ”mahilig po kasi ako sa bungo,” sabay ngiting sabi ng dalaga habang inaasikaso ang mga bumibili.

Kasama ni Ryza ang mga kapatid niya at akala namin ay tumutulong lang siya, ”si Ryza po lahat nagluto niyan,” sabi sa amin ng ate ng dalaga.

Naging word of mouth siguro ang paninda ni Ryza kaya talagang dagsa ang tao sa booth niya.

Tanong nga namin kung nabawi na niya ang puhunan at upa sa bazaar dahil maraming bumibili sa kanya, ”hindi ko pa po alam, he, he, salamat po ate Reggee,” sagot sa amin.

Biro namin sa dalaga kung bakit hindi siya maglagay sa GMA ng gourmet café tutal ay wala naman daw siyang TV project pa at napangiti lang sa amin si Ryza.

At dahil sa rami ng servings ni Ryza at ingredients ay duda kami kung kumita siya ng malaki dahil sobrang mura ng benta niyang P100.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …