WALANG umento na matatanggap ang mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon.
Paliwanag ni House Appropriations Committee Chairman Ernesto Ungab, hindi ito napaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2015 national budget.
Aniya, hindi natapos ang isinasagawang pag-aaral ng pamahalaan kung magkano ang dapat ipagkaloob na salary increase dahil sa serye ng kalamidad na tumama sa bansa noong nakaraang taon.
Ngunit bilang pambawi aniya, naglaan ang pamahalaan ng P30 bilyon para sa performance enhancement incentive bonus para sa mga taga-gobyerno.
Habang hirit ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, maaaring humugot ng P10 bilyon mula sa P56 bilyon miscellaneous personal benefits fund para sa salary increase ng mga kawani ng pamahalaan sa 2015.