HINDI sapat ang mga ebidensiya laban kay Bill Crawford para ma-convict ang TV/host actor sa kinakaharap na dalawang kaso.
Ito ang pahayag ni Atty. Lucas Carpio Jr., kasunod ng pagpasok ng ‘not guilty plea’ ng dating child star sa mga kasong civil disobedience at malicious mischief na isinampa ng Taguig City police.
Nag-ugat ang nabanggit na mga kaso makaraan magwala ng 32-year-old international star sa Taguig Police Station bunsod nang sobrang kalasingan.
Dakong 10 a.m. kahapon nang matapos ang arraignment kay Crawford sa sala ni Judge Bernard Bernal ng Taguig Metropolitan Trial Court.
Itinakda ang pre-marking sa iba pang mga ebidensya sa Nobyembre 5 habang ang trial proper ay gaganapin sa Disyembre 1.