Thursday , December 26 2024

Atty. Salvador Panelo bagong abogado ng mga Ampatuan

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG impormasyon ang naipasa sa atin … si Atty. Salvador Panelo na umnao ang bagong abogado ng mga Ampatuan …

Wala tayong masamang tinapay kay Atty. Panelo. Sa katunayan, isa tayo sa mga nagrerespeto sa kanyang husay at galling.

Kung hindi tayo nagkakamali si Atty. Panelo ang humawak ng kaso noon ni Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Talaga naman, ang tikas ng tiwala noon ni Mayor Sanchez kay Atty. Panelo. Nagpapasok pa ng rebulto o poon ng Mahal na Birhen sa kanyang selda, nagdasal, at nagpakabait (kuno) etc.

Pero nang masentensiyahan, nagpalahaw sa iyak at nagmumumura si Mayor Sanchez.

Nagkataon siguro na malakas ang mga ebidensiya laban kay Mayor Calauan.

Ngayon, kung totoo man na si Atty. Panelo na ang abogado ng mga Ampatuan, palagay natin ‘e dapat nang mapalagay ang ating loob …

Mukhang malaki ang tsansa na maagang makamit ang katarungan ng naulilang pamilya ng mga pinaslang sa Ampatuan massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Alam n’yo naman itong si Atty. Panelo, mabilis pa sa kidlat kapag may media at naghahanap kung sino ang pwedeng mag-interview.

Mabilis din naman siguro siyang magbasa at magrepaso ng mga dokumento at prosesong pinagdaanan ng kaso laban sa mga Ampatuan.

Good luck Ampatuan clan. Wish lang namin na makamit natin ang katarungan sa kasong ito para sa mga naging biktima ng nasabing massacre.

IBA ANG JUSTICE SA CALIFORNIA, USA KAYSA KATARUNGAN SA PHILIPPINES MY PHILIPPINES?!

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) Ninth Division ang unang desisyon ng Manila RTC noong 2012 na nagpawalang-sala kay Michael Ray Aquino sa Dacer-Corbito double murder case.

Nabigo raw kasi ang prosekusyon na baliktarin ang “presumption of innocence” ng akusado.

Naisip ko tuloy, iba pala ang batas sa ‘Merika kaysa Pinas.

Si Aquino ay inutusan ng District Court ng Northern District of California na magbayad ng US$4.2 million sa mga anak ni Bubby Dacer sa ilalim ng Torture Victim Protection Act (TVPA).

Nahatulan si Aquino dahil hindi siya dumalo sa walong (8) beses na itinakdang pagdinig kabilang na ang pre-trial conference.

Bukod sa nasabing kaso si Aquino ay sentensiyado rin sa Amerika dahil sa kasong ‘paniniktik’ na kanyang nagawa matapos siyang humingi ng tulong sa kanyang kaibigang si Leonardo Aragoncillo, isang Philippine-born security specialist sa White House, nang ma-overstay siya sa New York noong Marso 2005.

Ibig sabihin, ang kanyang paglapit kay Ara-goncillo ay nangyari dahil ayaw niyang maipa-deport sa bansa dahil sa kasong kinakaharap.

Nakipagsabwatan siya kay Aragoncillo para maglabas ng mga classified information pabor sa mga Estrada para makapaglunsad ng kudeta laban kay GMA.

Sa Amerika nakamtan ng mga anak ni Dacer ang inaasam nilang katarungan.

Pero dahil sa pagbasura ng CA sa kaso laban kay Michael Ray, ang tanong: sino ngayon ang pumatay Bubby Dacer?!

Ano sa palagay ninyo mga suki?

CENTRALIZED RADIO MONITORING NG MGA BOOKIES OPERATOR SA MAYNILA

SA KABILA ng ‘timbrado’ na sa lahat ang mga ilegalistang operator ng Horse racing Bookies na may kasamang EZ2 at Bol-alai ay maingat at handa pa rin sila sa anumang HULIHAN cum PITSAAN activity ng ilang tulis ‘este’ pulis lalo na sa MPD!?

Kahit daw kasi ‘timbrado’ e binuburaot pa rin sila ng mga bagman from nowhere.

Kaya naman nakaisip sila ng bagong gimik sa pamamagitan umano ng isang CENTRALIZED RADIO FREQUENCY gaya nina 1602 operator BAGMAN COP PAKNOY, “TONTON” MARANAN, ABANG SIMBULAN at PRINCE PASYA.

Hindi rin magpapahuli ang mga LESPU na mayroong kanya-kanyang butas ng bookies at VK gaya nina ZALDY na siyang tagapukol ng isang BUTAS kung saan may kalaban (PULIS).

Automatic na-monitor agad ng lahat ng mga bookies operator sa Maynila!

Isa kasi sa iniiyakan ng mga gambling lord sa ‘tara’ ang matalas na tropa ng code name GENBOB at sina DAGUL BONSAI at POT-RES ROBLES.

O ayan Gen. Rolando Asuncion, dagdag-info na naman sa inyo ‘yan!

Baka kasi may ‘nakalulusot’ pa sa inyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *